Sunday , December 22 2024

Days are numbered!

God is not unjust; he will not forget your work and the love you have shown him as you have helped his people and continue to help them. -Hebrews 6: 10

MUKHANG lumilinaw na ang inihaing petisyon ni Atty. Alicia Risos-Vidal na disqualification case sa Supreme Court laban kay dating Pangulong Erap.

Nagpalabas na kasi ng Resolution ang SC na pumapabor sa mga inihaing allegations, issues atarguments ng mga petitioners

Kasing linaw na ng tubig!

***

SA en banc Resolution ng Supreme Court na may petsang Abril 22, 2014, tatlong mahahalagang petisyon ang pinaboran ng High Court sa mga petitioners na sina Atty. Alicia Risos-Vidal, ret. Justice Rodolfo Pallatao at Atty. Renato dela Cruz.

Narito ang sipi sa Resolution ng SC:

G.R. No. 206666 (Atty Alicia Risos-Vidal vs Commission on Election and Joseph Ejercito Estrada)—considering the allegation, issues and argument adduced in the petition and petition-in-intervention, as well as in the comments thereon, and in the replies, the Court resolved to (1) GIVE DUE COURSE to the petition and petition-in-intervention; (2) TREAT the comments as ANSWER; and (3) REQUIRE the parties to submit their respective MEMORANDA within thirty (30) days from notice hereof.

***

UNA, binigyang halaga ng SC ang petisyon at ang Petition for Intervention o pagpayag na panghimasukan ni Mayor Alfredo Lim ang DQ case na isinampa ni Atty. Vidal.

Pangalawa, ang mga naisumiteng komento ay kasagutan na rin ng SC sa petisyon inihain sa SC; pangatlo, hinihiling na ang pag-submit ng kani-kanilangMemoranda sa loob ng tatlumpung (30) araw mula nang matanggap ang notice ng korte.

***

SA tatlong usapin, ang panghuli ang nagbi-gay pag-asa sa maraming Manilenyo na sa wakas ay malapit nang matapos ang pinakaaasam na desisyon na matagal nang hinihintay ng marami.

Ipinasusumite ng SC ang magkabilang panig ng kani-kanilang Memoranda. Sa legal terms, ito ang panghuling dokumento na isinusumite sa korte bago ang pinal na pagdesisyon sa isang kaso.

HETO pa ang sipi ng SC Resolution (G.R. No 206666).

“No new issues may be raised by a party in the Memorandum, and the issues raised in the pleadings but not included in the Memorandum shall be deemed waived or abandoned. Being a summation of the parties previous pleading, THE COURT MAY CONSIDER THE MEMORANDUM ALONE IN DECIDING OR RESOLVING THIS CASE.”

MAY BUKAS PA!

SA pagkakataong ito ay naka-kikita na tayo ng kaliwanagan na handa na ang Korte Suprema na desisyonan ang DISQUALIFICATION CASE ng dating Pangulong Erap anomang araw mula ngayon.

Matagal na itong hinihintay ng maraming Manilenyo, lalo na ang mga pinagkaitan ng mga libreng serbisyo sa Lungsod.

Sabi ko na sa inyo mga kabarangay, may bukas pa!

MANILENYO ANG DAPAT MAGWAGI!

SAMANTALA, sa partido ng mga kaalyado ng dating Pangulong Erap, maganda rin ang ba-litang ito dahil matutuldukan na ang usapin kung legal o ilegal ba ang pagtakbo niya noong May 2013 election.

Makatutulog na sila nang mahimbing dahil wala nang agam-agam sa kanilang isipan kapag tuluyang nagdesisyon ang SC.

***

SA gana ng inyong abang Lingkod, anoman ang magiging desisyon ng SC ay dapat maging katangap-tangap sa magkabilang panig.

Higit sa lahat, dapat ito ay kapaki-pakibanang at paborable sa interes ng mas nakarara-ming Manilenyo.

Dahil sa bandang huli ang mga Manilenyo ang dapat magwagi!

AAKSYON KAPAG

NA-TV ANG DPS

NANGINGINIG daw sa takot si Ms Lilybelle Borromeo ngDepartment of Public Servi-ces (DPS) matapos punahin ng mga katotong Tulfo brothers ang mga tambak na basura sa Tayuman, Maynila.

Dios mio, saka lang pala kikilos kapag na-TV ang reklamo laban sa kanila.

Umaksyon sila sa TV5 Aksyon!

***

NAKU, kung alam lang ng Tulfo brothers na hindi si Ms. Lilybelle ang tunay na hepe ng DPS kundi ang kanyang ama na si Engr. Che Borromeo. Front lang ang kanyang anak!

Walang alam ang batang Borromeo sa DPS, dahil mas kabisado ng matandang Borromeo ang mga pasikot-sikot, raket, katiwalian, kitaan sa opisina dahil matagal niyang nahawakan ang departamento noong panahon ni Mayor Lito Atienza.

Itanong n’yo pa kay Fernando Lugo ng DPS-District III!

PABATI: Happy 1st Birthday to cutest boy on earth na si Koer Khen Lazaro o KK na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan sa Jolibee Sangandaan Branch. Ang pagbati ay mula sa kanyang magulang na sina Karen at Arnold La-zaro ng Bernardino, Gen. T. de Leon, Valenzuela City. Sa mga Ninang at Ninong, Lolo at Lola, pinsang si Yana, pinaabot ni KK ang taos pusong pasasalamat sa inyong pagdalo. Thank You po!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *