Monday , December 23 2024

4 paslit patay sa sunog (Ancestral house, pabrika naabo sa Metro,Nigerian sugatan)

051814_FRONT

APAT na sunog ang halos sabay-sabay nangyari kahapon na ikinamatay ng apat paslit na magpipinsan (dalawang magkapatid), ikinaabo ng isang ancestral house at pabrika; habang nasugatan at nalapnos ang isang Nigerian national sa Quezon Province at Metro Manila.

Sa unang ulat, dalawang magkakapatid (magpipinsan na paslit) ang namatay nang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Brgy. Bulakin, Dolores, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Ella Medrano, 8 anyos; John Mark Medrano, 6; Mark Rebenito, 4; at ang sanggol na si Jasmine Rebenito, 12 buwan gulang.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Insp. Madonna Abang, napag-alamang nagsindi ng kandila ang panganay na kapatid ng dalawang biktima na si Juana Rebenito, 13-anyos, na iniwanan niya dakong 9:00 p.m.

Makalipas ang 45 minuto, kanyang napansin na nasusunog ang kanilang bahay kaya’t nagtatakbo siya palabas upang humingi ng tulong.

Pagbalik ni Juana, natupok na ang buong bahay na yari sa pawid, kawayan at sawali.

Kasamang nasunog ang kanyang dalawang kapatid at dalawang pinsan na pawang mga paslit.

Ayon sa ulat, wala ang mga magulang ng mga bata na kapwa nagtatrabaho sa lungsod ng San Pablo nang maganap ang sunog.

nina Raffy Sarnate/BETH JULIAN

P2-M NAABO SA STA. MESA FIRE

TINATAYANG nasa P2 milyong ari-arian ang naabo nang masunog ang dalawang palapag na bahay sa Sta. Mesa, Maynila, Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay, SFO3 John Joseph Jalique ng Manila Fire Department, dakong 3:30 a.m. nang  magsimulang masunog ang ikalawang palapag ng bahay sa  4709 Old Sta. Mesa.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na naapula dakong 5:48 a.m.

Inaalam ng arson investigator ang sanhi ng sunog  na nakaapekto sa 30 pamilya at tumupok sa P2 milyon ari-arian.

(leonard basilio)

GARMENT FACTORY NATUPOK

Nasunog ang isang garment factory sa Industrial Road kanto ng San Francisco St, sa Karuhatan, Valenzuela City, Sabado ng umaga.

Tinatayang aabot sa 90 porsiyento ng Mega Fields Garments, ang nilamon ng apoy na sumiklab dakong 7:00 a.m.

Sa panayam kay Alan Alvarez, isa sa mga empleyado ng pagawaan, nang kanyang makita ang apoy, agad siyang bumaba sa unang palapag para patayin ang main switch.

Ngunit hindi na siya nakabalik sa ikalawang palapag dahil mabilis na lumaki ang apoy.

Agad nilisan ng mga stay-in na empleyado ang pagawaan na karamihan ay walang naisalbang gamit.

Dakong 8:33 a.m. naapula ang apoy.

Inaalam ng mga awtoridad ang halaga ng pinsala at sanhi ng sunog.

(ROMMEL SALES)

NIGERIAN SUGATAN SA QC FIRE

Sugatan ang isang Nigerian national sa naganap na sunog sa isang Christian church, kanto ng Kamuning Road at T. Gener St., sa Kamuning, QC.

Dakong 6:45 a.m. nang matupok ang bahagi ng simbahan ng Team Ministries International na napula dakong 7:05 a.m. Tinatayang P500,000 ang natupok na ari-arian.

Ani Supt. Jesus Fernandez ng QC Fire Department, nag-umpisa ang sunog sa kwarto ng Nigerian na si Gerry Gideon, 29-anyos, nagkalapnos sa braso at nahirapan huminga kaya agad dinala sa kalapit na Delgado Hospital.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *