Tuesday , October 15 2024

Legal wife inasunto si mister, kabit

NAHAHARAP sa kasong  paglabag sa Republic Act 9262 o paki-kiapid sa ibang babae ang isang 39-anyos lalaking negosyante at ang kanyang kinakasamang kabit makaraan ireklamo ng kanyang legal wife.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Bulacan Police director, S/Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga kinasuhan na si Rodel Mendoza, negosyante at ang kanyang kasosyo na si Theodora Alonzo, 39, kapwa residente sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Arlene Mendoza, 41, school teacher, nagsimulang magkaroon ng relasyon ang dalawa nang magsosyo sila sa catering services noong Disyembre 2012.

Ayon pa sa ginang, pinalayas siya ng kanyang mister sa kanilang sariling bahay nang ma-tuklasan niya ang paki-kipag-relasyon sa kasosyo, at pinatira ang kanyang kinakasamang babae, isang bagay na hindi na matanggap ni misis kaya’t nagpasya siyang ipakulong ang kanyang mister.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Win Gatchalian DepEd MTB-MLE

MTB-MLE agad ipinatitigil ni Gatchalian sa DepEd

NGAYONG mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium …

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

PINALAWAK ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) SEDA Pilipinas …

Alan Peter Cayetano DENR

Cayetano sa DENR  
RECLAMATION PROJECTS TUTUKAN

DAPAT magsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng komprehensibong pagsusuri sa mga …

101324 Hataw Frontpage

GEA-3 pricing mechanism hinimok sa ERC, isapinal na

HINILING ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kanila nang isapinal ang presyo ng …

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *