Chairwoman Ligaya V. Santos
You created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb. I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well. – Psalm 139: 13-14
TIMBOG sa entrapment operation si Engineer Juan Capuchino, ang chief ng City Building Office ng Manila City Hall dahil sa pangongotong sa isang arkitekto.
Nakahihiya ang sinapit ni Engr. Capuchino dahil sa kanyang opisina mismo siya nadakip ng mga ahente ngNational Bureau of Investigation (NBI).
Tsk…tsk…sinabi na kasing moderate your greed e!
***
INIREKLAMO si Engr. Capuchino ng isang Architect Bryan Chester Lim dahil umano sa panggigipit sa mga papeles na nasa kanyang opisina.
Ang opisina ni Engr. Capuchino ang siyang nag-iisyu ng mga permit kapag magpapatayo ng isang bahay, gusali o condominium sa Maynila.
Ibig sabihin, malaking kuwarta ang tanggapan ni Engr. Capuchino!
***
DAHIL sa pang-iipit sa pag-iisyu ng kanyang mga papeles, naisipan ni Arch. Bryan na magpasaklolo sa NBI.
Bumuo ng isang entrapment operation ang NBI, kasama ang nagrereklamong si Arch. Bryan at kanyang hauler na si Cesar Gallardo.
***
AT dahil ‘maglalagay’ si Arch. Bryan sa opisina ni Engr. Capuchino, napagkasunduan makipagkita nitong Martes sa loob mismo ng kanyang opisina sa 3rd floor ng Manila City hall.
Bandang 2:00 ng hapon, habang tinatanggap ang P50,000 marked money mula kay Arch. Bryan, dinakip si Engr. Capuchino ng mga NBI agent!
Aysus! Kakahiya!
***
AYON kay Arch. Bryan, pinabalik-balik siya ni Engr. Capuchino at iniipit ang kanyang mga papeles na matagal nang nakabinbin sa kanyang opisina.
Pero nang magkasundong magbibigay ng pera, ay saka umano pumayag si Engr. Capuchino na aaprubahan ang kanyang papeles.
Sabagay ang lagay e!
***
SA totoo lang, marami nga tayong naririnig sa opisina ni Engr. Capuchino mula nang ipagkatiwala sa kanya ni datingPangulong Erap ang puwesto bilang City Building Office chief noong July 2013.
Hambog daw ang opisyal na ito at mahirap kausapin kapag wala ka umanong dalang pasalubong sa kanyang opisina.
Bawal pa ang credit gusto cash!
***
PATI umano sariling tauhan ay galit sa opisyal dahil sa pagiging ‘matakaw’ at solo performer. Kaya naman maraming empleado ang natuwa sa pagkakadakip sa kanilang bossing.
Kumbaga, hindi kasi namamahagi ng kanyangblessings sa opisina ang opisyal, gusto lahat akin!
Teka, kamag-anak ka ba ni Lito Atienza?!
***
SA ngayon si Engr. Capuchino ang pinakamataas na opisyal ng Maynila na nadakip dahil sa extortion.
Hinihintay na lamang natin kung sino ang susunod sa yapak ni Engr. Capuchino.
Well, who’s next?!
PUBLIC ORDER
SA MAYNILA, NASAAN?
DUMAYO na raw sa Maynila ang mga trigger happy gunmen mula sa Quezon City.
Nitong isang gabi, binaril mismo sa loob ng kanyang sasakyan ang isang lalaki sa ilalim ng Quezon bridge malapit sa Quinta Market.
Ito’y ilang metro lamang ang layo sa PCP Plaza Miranda!
***
HINDI sa tinatakot natin ang ating mga kabarangay, subalit hindi na kayang pangalagaan ng pulisya ang ating seguridad.
Nakatatakot nang lumabas ng bahay at baka makasalubong mo ang mga thrill killers sa daan.
Nasaan ngayon ang sinasabing public order?!
SUSPENDIHIN ANG DALAWANG
NANGHULIDAP KAY MILO ILUMIN!
MARAMI ang nakikisampatiya kay Milo Ilumin ang lalaking biktima ng hulidap ng isang pulis at barangay tanod team leader sa Hermosa Street.
Anila, dapat disarmahan agad si Po3 Jeriton Tolentino at sibakin naman bilang team leader ng mga tanod si Lauro Loleng ng Brgy 186 Zone 16 District II, habang dinidinig ang kanilang kaso.
***
MAAARI nila kasing gamitin ang kanilang posisyon upang ‘gipitin’ o i-harass si Milo para puwersahing iurong ang kaso.
Kaya, baka puwede MPD Director Rolando Asuncionna isailalim muna sa preventive suspension si Po3 Tolentino gayundin si Loleng ay dapat suspendihin muna niManila Barangay Bureau (MBB) officer in charge Jesus Payad bilang team leader sa barangay.
Tama ba ako Special Project coordinator Johnny Balani?
***
Para sa anomang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes