Thursday , January 9 2025

Bakit mahirap mag-move on?

00 try me francine prieto

Dear Miss Francine,

Please help me! Ayaw na akong pakinggan ng mga kaibigan ko dahil ang palaging bukambibig ko raw ay name ng ex ko. Six (6) months na kaming hiwalay at almost 2 years din naging kami. Tinanggal ko na siya sa facebook, instagram at cellphone ko pero paminsan-minsan sinisilip ko mga accounts niya, bakit siya parang ang bilis niyang nakapagmove-on, minahal niya ba talaga ako?

BREANNA

 

Dear Breanna,

Naiintindihan kita, dahil ako nga 10 months lang kami ng last boyfriend ko pero it took me 9 months para matanggap na talagang wala na.

Bawat tao ay may kanya-kanyang pamamaraan para makapag-move-on may mga taong agad-agad nakapagmo-move on, may iba naman taon na pero hindi pa rin makapag-move-on. Paniguradong nagmahalan naman talaga kayo, kaso hindi porke’t mabilis siyang nakapag-move-on ay ibig sabihin hindi ka niya tunay na minahal.

Walang “time limit” para makapag-move-on ka, isipin mo na lang na nagkaroon ng sugat ang puso mo at gaya ng ibang sugat kelangan mong hintayin na maghilom ang sugat na ‘yun.

Ayos lang na umiyak ka, pero kaya mo siguro paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng ex mo ay dahil naghahanap ka ng mga pagkakamali mo o ng pagkakamali niya para lalong matanggap mo na wala na kayo, pero hindi mo na kelangang gawin ‘yan, isipin mo na lang na may natutunan ka sa relasyon ninyo.

Tama na binura mo na siya sa phonebook, facebook at instagram mo pero huwag mo na sanang tingnan pa ang mga ito dahil nga may sugat pa ang puso mo lalo lang lalalim ang sugat at mas tatagal ang paghihilom nito.

Mas makabubuti kung pagtapos mong umiyak, ay maghanap ka ng mga pwedeng gawin kasama mga kaibigan mo, iwasang manood ng mga madramang love story at makinig sa love songs. Baguhin mo ang kulay at style ng buhok mo, isipin mo kela-ngan mo ng new look at fresh start.

Basta huwag na huwag mong papabayaan ang sarili mo, alagaan mo ang puso, utak lalo na ang katawan mo. At isipin mo na lang na ang pag-hihiwalay ninyo ay isang blessing, maaaring naghiwalay kayo dahil may mas mabuting lalaki na darating para sa ‘yo at mas sasaya ka.

Good luck dear!

                                                Love,

                                                Francine

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *