LUMALABAS ngayon na apat ang ‘listahan’ ng mga mambabatas na nagkamal ng malaking kickbacks sa kanilang pork barrel na pinadaloy sa mga pekeng foundations ni Janet Napoles.
Ang una raw na nagkaroon ng listahan ay si Pangulong Noynoy Aquino na pinadala sa kanya ni Janet.
May listahan din si dating Senador Ping Lacson na iniabot naman daw sa kanya ng mister ni Janet na si Jimmy na kakilala ni Ping.
May listahan din si Justice Secretary Leila de Lima na ibinigay sa kanya mismo ni Janet nang mag-usap sila ng ilang oras sa Ospital ng Makati bago operahan sa matris at ovaries ang pork scam queen.
May listahan din ang dating “bagman” sa jueteng noong panahon ni ex-Pres. Erap na si Zandra Cam.
Sino sa kanila ang may hawak ng totoong listahan ng mga mambabatas na mandarambong?
Ang sigurado, may nanggugulo lang at may umeepal din in aids for 2016 election.
Para malaman ang katotohanan, sina Janet Napoles at whistleblower na si Benhur Luy ang dapat pagsalitain at i-cross examine sa kongreso.
Isabay sa imbestigasyon si Commission on Audit Chairman Grace Pulido-Tan at Department of Budget and Management Secretary Butch Abad dahil nasa kanila ang “paper trail” ng paglabas ng pork barrel at kung saan ito napunta. Period!
Ang pramis naman ni Ombudsman Conchita Morales, ipakukulong niya ang lahat ng corrupt sa isyu ng pork barrel! Totoo ba ‘yan, Conching? Baka naman matapos lang ang termino ni PNoy ay wala pang mambabatas na nakukulong sa pork scam na ‘yan? Aabangan namin ‘yan…
Walang Judge sa Kidapawan
RTC City Branch 17 at 23
– Gud day, Mr. Venancio. Paki-kalampag naman yung klorte sa Kidapawan Cuty. lagi nalang walang hearing ang Brtanch 17 at Branch 23. Lagi wala si Judge Arvin Sadiri Balagot. Taon na po walang hearing dito. – 09076075…
Paging Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, paki-check n’yo ang Kidapawan RTC Branch 17 at 23. Wala raw judge na nagdidinig sa mga kaso rito. Hindi raw pumapasok si Judge Balagot!
Shabuhan sa Potrero,
Malabon
– Mr. Venancio, grabe na po ang bentahan ng shabu dito sa Anonas st., Potrero, Malabon City. Tapos magdamag ang kara y krus ng mga adik dito. Ang mga pulis, ang ginagawa hulidap lang. Pera pera lang sila. Mga sidecar boys dito karamihan adik. Nakakatakot sumakay sa kanila. Talamak nga dito ang holdapan dahil sa mga adik na ito. Ang mayor dito walang aksyon sa mga nangyayaring krimen. Sana makarating ito kay DILG Sec. Rojas at Chief PNP para palitan ang hepe dito. Salamat. – Concerned citizen
Manyakis na opisyal
sa Manila City Admin
may kolektong sa vendors
– Mr. Venancio, nabasa ko kahapon sa kolum mo ang tungkol sa manyakis na matandang opisyal sa Manila City Administration Office. Totoong totoo po yun. Kalat na yan dito sa City Hall. Bukod po sa pagiging manyakis ng matandang opisyal na ito ay may mga kolektong din po siya sa vendors sa Quiapo at Divisoria. Grabe po ka-korap ang taong ito. Siguro dahil alam niyang hindi siya matatanggal dahil malakas siya kay Mayor Erap. Pero sana hindi ito kunsintihin ni Mayor tulad ng lagi niyang sinasabi na ang sinumang gagawa ng katiwalian sa City Hall ay ipakukulong niya. Thanks po, Sir Joey. God bless… – Concerned Manila City employee
Wala nang nagpapagamot sa
Ospital ng Sampaloc (Manila)
– Sir Joey Venancio, dito po sa Ospital ng Sampaloc, Maynila ay may bayad na po ng P200 ang Consultation na dating libre. Ngayon po ay halos wala nang nagpapa-checkup at mas pinipili nalang ng madami na magpirmi sa bahay. Government hospital may bayad! Ano yung naging tulong dun? Ano bang ginagawa ng bagong mayor? Gumagawa ng pondo para sa susunod na eleksyon? – 09174648…
Ang paniningil sa anim na district hospitals ng Manila gov’t ay bunga ng ordinansa na ginawa ni Konsehal MON YUPANGCO ng District 5. Sa kanya kayo humingi ng tulong pag wala kayong pampaospital. Dahil siya ang may pakana nyan. Ang mga taong ibinoto ninyo ay silang pumapatay sa mahihirap na Manilenyo ngayon.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio