Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

For your eyes Only VP Binay: Bigtime night clubs cum putahan

SANKATERBANG night clubs sa Metro Manila ang ngayo’y nagsisilbing  tiangge ng laman (prostitution den)  sa mga kustomer na banyaga at lokal man.

Nangunguna sa listahan ang siyudad ni Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City .

Talamak umano ang prostitusyon sa AIR FORCE ONE na pag-aari ng isang antigong bigtime club operator na kilala sa bansag na LE-O  TING at si alias POKA pinamamahalaan ng mayabang niyang pamangkin na si PETER TING.

Bukod sa bold show sa center stage ng nasabing establisiyemento, grabe rin ang VIP rooms na kakikitaan nang walang patumanggang kalaswaan at kangkangan.

May sauna parlor din sa basement kung saan prostitusyon din ang opisyo.

Mr. Vice President Jojo Binay, aksyon ng inyong tanggapan at ng IACAT ang hinihintay ng taongbayan.

Minsan na po kayong nagpakita ng pruweba Mr. Vice President  nang  inyong ipasalakay sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at ipasara ang MISS UNIVERSAL Club sa Pasay City na isa sa mga untouchable club cum prostitution den dito sa bansa.

Ang mabigat lamang sa opisina ni VP Binay, ngayon pa lamang ay nine-name drop na ng mga club operators ang isang SALSALGADO na umano’y siyang kausap ng mga tarantadong tagapagtaguyod ng bigtime prostitution.

Gaya na lamang sa kaso ng AIRFORCE ONE  sa Parañaque City. Kapwa ikinakanta at ipinagmamalaki umano nina BERNARD GUINTO at PETER TING  na si SALSALGADO ang kanilang ‘connect’ sa Office of the Vice President  at sa IACAT.

Pakiimbestigahan naman po Boss Jojo Binay ang isyung ito. Hindi maganda para sa isang PRESIDENT to be ang mga ganitong eskandalo sir!

For your eyes only Mr. Vice President, here are the lists ng mga bigtime club cum putahan sa tatlong siyudad dito sa Metro Manila. Karamihan po rito Mr Vice President ay pag-aari o ino-operate ng mga dayuhan (undesirable aliens) na gumagamit ng mga Pinoy na dummy.

Nasa Parañaque pa rin ang mga ‘putahang  LALA LAND , LIBERTY na kapwa pag-aari ng isang Hapones  na si OGGAWA at pino-proteksyonan ng isang MEDIA  alyas  “JAMES   A-TRENTA “

Ang PRINSESA na pag-aari ng isang MANALO, alyas ATTORNEY at alyas NINONG.

WHITE BIRD DISCO, isang gay bar na pag-aari ng isang alyas WILLIE PINGGOL  at pinamamahalaan  ng bugaw na si JOVEN. Nasa service road po diyan sa Baclaran-Roxas Blvd. , Parañaque .

Sa Pasay EDSA Entertainment Complex naroroon naman ang SAMBA, SHARA ZAD, BULLET, ARROW at CASINO BAR na karamihan ay pag-aari ng Austrailian national na si VINCE LUMBARDO.

Nasa Pasay din ang  RICHMAN CLUB, VOCANOat WILD RIVER .

Nasa kahabaan naman ng Roxas Blvd. ang D C’ZAR Club na pag-aari ng isang alyas PABLO na anak ng isang Chinese tycoon na dating Pangulo ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce diyan sa Binondo. Kasosyo ni PABLO kupal ang Customs broker na may bansag na DOBLE B, LACSON.

Nasa Roxas Blvd. pa rin ang BACHELOR’S CLUB, isang one-stop club cum putahan na may sauna, KTV bar at night club. Protektado ito ng isang  konsehal na may alyas ITOM.

Sa Quezon City Mr. Vice President, sina alyas PERRY M,TEDDY SAPITULA, BIG DADDY at TADO PALMA ang utak at protektor ng mga establisyementong tagapagtaguyod ng kalaswaan at pagpuputa sa siyudad ni Mayor BISTEK BAUTISTA.

Naririyan ang CLASSMATE, KREMLIN, isang “spakol,” METALICA at MARINARA at Imperial Sauna Bath na pawang nasa Quezon Avenue.

Nasa Cubao area naman ang IDOL, BARTOLINAat TAKUSA.

PARADISE sa Qurino Highway , SUPERSTAR sa Commonwealth Avenue at Georgetown sa Mindanao Avenue .

Bukod sa pagkaladkad sa pangalan ni Mayor Bistek Bautista, ipinagyayabang rin na kasosyo ng mga tarantadong club owners ng  BALAI LUNA CLUB  sina ES Paquito Ochoa at isang alyas General Ulo ng kupal na Manager nito na si BONG BUGAW.

Dito masusubok ng mamamayan ang ‘political will’ ni VP Binay sa pagsagasa sa mga bigtime ‘PUTAHAN’ na na protektado ng malalaki at maiimpluwensiyang tao.

Let’s wait and see!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …