May impormasyon tayo na may ilan pa rin d’yan sa Bureau of Customs ang makapal ang mukha dahil hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang pag-i-issue ng Hold/Alert Order para sa kanilang pansariling pagkakakitaan.
Alam kaya ni BoC Comm. Sunny Sevilla, na may ilang MULTI-CAB na lumalabas sa pier na wala raw Certificate of Payment (CP). Sino ba ang nag-iisyu ng CP?
Kamakailan ay may malaking bulilyaso nangyari sa isang pantalan, may dumaong kasing mga sasakyan (old Totoya Sequoia at coaster) sa North Harbor na galing sa isang probinsiya. Ginamit kasi ang sasakyan ng isang malaking sekta sa isang event nila sa Mindanao at pabalik na ng Maynila nang biglang pinigil ng Customs sa North Harbor (NH).
Ang buong akala ng mga awtoridad ng Customs North Harbor ay mga ‘parating’ ang sasak-yan kaya mabilis pa sa alas-kuatro na nag-issue ng hold order sa nasabing mga sasakyan.
Ayun na-wow mali ang mga kamote!
Kaya nang nakarating sa BoC Commissioner office ang pangyayari at reklamo ay agad na ipina-release ang sasakyan na inabot ng hatinggabi sa NH dahil hindi naman ito isang importation.
Marami na rin negosyante na may kargamento na naglalaman ng mga used clothings na ibebenta sa kanilang probinsiyaa ay naho-hold pa raw sa North Harbor.
Pati nga raw mga balikbayan boxes ay nahahassle rin.
Mga base oil na galing Gen. Santos, mga lokal na mais na sa hindi malamang dahilan ay kanilang sinisita sa North Harbor (NH).
Ang tanong natin sa mga opisyal ng North Harbor, kumusta na ba ang mga palusutan o para-ting ng mga timber at logs sa inyong pantalan?
Is it true that the NH district collector is now facing several complaints?
Mr. Commissioner Sevilla, kailan ho ba n’yo itutuwid ang daan diyan sa North Harbor?
Ricky “Tisoy” Carvajal