Saturday , November 16 2024

Do the right things and do the things right!

There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus, because through Christ Jesus the law of the Spirit of life in Christ has set me free from the law of sin and death. — Romans 8: 1-2

MABILIS pala ang naging aksyon ni Manila Barangay Bureau (MBB) officer in charge Jesus Payad sa reklamo ni Milo Ilumin ang kawawang biktima ng hulidap ng isang Pulis-Maynila at Barangay tanod team leader nitong Semana Santa.

Salamat naman at hindi naging makupad ang MBB sa reklamong ito na binalangkas ni Johnny Balani, coordinator for special project ng MBB laban sa nasasangkot.

Dahil huling-huli ang hulidap!

***

PERO sana ay mabilis din ang pagsasampa ng kaso laban kina Po3 Jeriton Tolentino ng Hermosa PCP at Lauro Leonon Loleng, team leader ng mga barangay tanod ng Brgy 186 Zone 16 District II.

Isangkot na rin bilang conspiracy ang mga opisyal na nagpabaya at may command responsibility sa kanilang mga tauhan.

Hindi ba Chairman Rene Maslog at MPD Stn 7 Supt. Julius Anuevo?!

***

KAAWA-AWA naman kasi ang sinapit ni Milo na sana’y pambili ng gatas at paggastos ng kanyang pamilya ay nakuha pa ng mga tulisan na sina Po3 Tolentino at Loleng na sumatotal ay P1,900.

Sabihin na natin galing nga sa tupada si Milo, kahit mariin niyang itinatanggi ang paratang, hindi naman sapat na kunin ang salapi sa kanyang bulsa.

Ang tamang paraan ay dalhin siya sa presinto, at kasuhan!

***

MALINAW  ang mga salaysay-reklamo ni Milo kay Balani, naglalakad lamang siya sa Hermosa Street nang salubungin nina PO3 Tolentino at team leader Loleng sa kalsada.

Tinanong si Milo kung galing sa tupadahan sabay puwersang pagkuha ng pera sa kanyang bulsa.

Ano pa ba ang tawag d’yan? ‘E di ba, hulidap?!

HULIDAP VICTIMS MARAMI?

MARAMI nga ang nagte-text sa atin na nagsasabing maraming ganitong estilo ng panghuhulidap sa kanilang lugar. Dangan lamang ay hindi sila makapag-reklamo dahil sa takot sa awtoridad.

Mairereklamo mo ba naman sa estasyon ng pulisya ang pulis mismo o sa barangay hall ang barangay tanod mismo?

Susme, baka ikaw pa ang baligtarin!

***

PERO mabuti na lamang at may lakas ng loob at tapang si Milo na gawin ito laban sa mga nagwalanghiya sa kanya.

At para makahikayat na rin sa iba pang biktima ng ‘hulidap’ na mawakasan ang kawalanghiyaan ng mga inaasahan sana natin magtatangol sa atin, pero sila pala ang salarin.

Kaya tama ngang sabihin: Do the right things and Do the things right!

TRUCK BAN MORATORIUM

HINDI man aminin, bumigay rin ang Manila City Government dahil nakita ang kapalpakan sa pagpapatupad nila ng truck ban sa Lungsod kaya naman sinuspinde nila ito sa loob ng 10-araw.

Mula ngayong araw, lifted o wala munang bisa ang Ordinance No. 8336  na ini-sponsor ni Manila 1st District Councilor Manuel Zarcal.

***

IKINATWIRAN na lamang na binibigyang-daan nila ang World Economic Forum na gaganapin sa bansa, kaya inalis ang truck ban sa Lungsod.

Pero sa totoo lang mga kabarangay, nararamdaman nila ang malaking epekto ng pagpapatupad ng truck ban sa ekonomiya hindi lamang sa Maynila, kundi sa buong bansa.

***

PERO ang balita natin, pati Malacañang ay nakialam na sa usapin ng truck ban kaya ito ipinasuspinde ng Lungsod.

Nagreklamo na kase ang malalaking negosyante sa Malacañang (kabilang umano ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – PCCI) sa ginagawang pagpapahirap sa kanila ng mga opisyales ng Maynila dahil sa pagkabinbin ng mga produkto sa merkado.

***

SA Executive No. 23 na inisyu ni dating Pangulong Erap, tinawag nilang “moratorium” ang pagsususpinde ng truck ban ordinance hanggang Mayo 23.

Pero sa kabila nito, ‘maglalagay’ ng P180,000 ang truck owners sa Lungsod bilang bond sa pag-aalis ng ordinance sa kanilang hanay.

Dios mio, pera pa rin! Ano ba ‘yan!

MAY “TUITION FEE” NA

SA DAY CARE CENTERS?

NAKALULUNGKOT pala ang ipinaabot sa atin na pati pag-aaral sa mga day care center sa Maynila ay may “tuition fee” na rin.

Ito ‘yun lugar na unang mae-expose ang mga batang nasa 5 years old below sa pag-aaral, o mga kindergarten at nursery.

Ang mga nag-eenrol dito ay mga dahop!

***

KAYA pinapapasok na lamang ang kanilang anak sa day care centers dahil libre.

Kung may sapat na salapi ang isang pamilya, sa mga Montessori o private school nila ipapasok ang kanilang anak, ‘e ang kaso dahop nga? Sana bigyan ito ng konsiderasyon ni Manila Social Welfare chief Honey Lacuna-Pangan.

‘Wag na nilang pahirapan ang hirap na!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355.  Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *