Saturday , November 16 2024

Kortesiya sa Immigration

Nakalulungkot ‘yung ginawa ng isang Immigration agent diyan sa NAIA dahil pinatulan niya ang isang Chinese national na nagwawala daw.

Malaking katanungan ito para kay Comm. Mison.

‘Pag ganitong mga balasubas na immigration agent or officials ay dapat sinisibak na.

Hindi ko kinakampihan ang Chinese national pero alam naman natin kung ano ang kinakaharap natin sa west Philippine sea na halos binubully tayo ng China.

Nakita natin mismo sa national television sa programa ng kasamang Anthony Taberna sa Punto por Punto nang itulak, sampalin at kahit na nakahinto na ang babae ay sinampal pa rin niya.

Dapat doon ang pinaharap na lang kung ganyang mga balasubas na pasahero ay ‘yung babae na lang na marunong makiusap sa ganyang klase ng mga pasahero kasi ang frontline tayo at kahit kasalanan ng Chinese national na babae ay hindi pa rin dapat saktan.

Mukhang ‘di maganda ang leadership dahil unang-una mukhang kulang ang orientation ng mga nakatalaga roon.

Hindi ko po sinasabi na lahat, maraming matitino diyan sa NAIA Immigration pero may mga report tayo na merong nakikipagsabwatan pa rin sa mga illegal alien na may mga kaso sa ibang bansa na rito napapadpad sa atin at bakit nakalulusot sila.

Tingnan na lang natin ang kaso ni Kim Dae Dong at iba pang mga fugitive na may kaso na dito nagtatago.

Marami pa rin nagkalat na Chinese national, Bombay, Koreans at sila pa minsan ang naghahari-harian sa ating bansa.

Ibig sabihin maraming nakalulusot sa Immigration.

Kaya magsisilbing aral ito na kahit ang isang foreigner ay bigyan din natin ng respeto huwag naman nating sasampalin lalo pag babae.

Sa totoo lang naman napakaraming balasubas na Chinese national at bastos pero idaan natin sa diplomasya at alam naman natin pag gumanti sila at nasasakripisyo ang ating mga OFWs na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Kaya kitang-kita na merong pagkukulang ang nasabing Immigration agent at kailangan talaga na masibak.

Sa immigration kasi mahilig sila sa press release lalong-lalo na ‘yung mga sangkot sa illegal activities para mapagtakpan ang kanilang kabulastugan. Baka kamag-anak pa ng opisyal ng Immigration ang nasabing agent.

***

Diyan mo makikita na maganda ang pamumuno ni Rehabilitation Czar na si Sen. Ping Lacson at dahil pinupulong na niya at nagbigay ng plans and program para sa mga nasalanta ng Yolanda Victim na ayon sa report ay napakabagal ang rehabilitation sa mga biktima ng Yolanda sa buong Visayas.

Sinisiguro niya sa mga cabinet member at ilan pang ahensiya na may kaugnayan sa Yolanda Victim para ‘yung pondo ay hindi mapunta kung kanino lang.

‘Yan si Ping Lacson, sinisiguro na walang maibubulsa sa mga pondo na nakalap na tulong mula sa iba’t ibang bansa at ‘yung pera na ‘yan ay para lamang sa naging biktima ng trahedyang Yolanda.

***

Congratulations kay NBI Special Investigator Isaac Carpezo, Jr., Atty. Emeterio Dongalo, Atty. Erick Isidro dahil sa pagsuko ni Cedric Lee at Zimmer Raz sa kanila.

Ibig sabihin may tiwala sa kanila kaya doon sila nagboluntaryong sumuko.

Good luck mga idol.

***

May tumawag sa akin na napakaganda raw ang koleksyon target ni Collector Francisco Matugas sa NAIA Pair Cargo.

Sinisiguro na malaki ang taxes na kanilang makokolekta para sa tuwid na daan na tinatahak ng ating Pangulong Noynoy Aquino, DOF Sec. Cesar Purisima, Comm. John Sevilla at Coll. Ed Macabeo.

Maraming nagsabi sa inyong lingkod na mapagkumbaba at malaki ang ginampanan ng kanilang pamilya sa pagtulong sa Yolanda Victims lalong-lalo ang kanyang pinakamamahal na ama na si Cong. Matugas.

Mabuhay ka, God bless you, Collector.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *