Friday , December 27 2024

Villar-Lim or Villar-Duterte the best para sa 2016

KINALAMPAG ako ng ating readers tungkol sa dapat pumalit kina Presidente Noynoy Aquino at Bise Presidente Jojo Binay sa 2016.

Ang dapat anilang pumalit kay P-Noy ay si dating Senate President ex-Sen. Manny Villar.

Dahil si Villar daw ay dalubhasa sa negosyo na siyang kailangan ng Pilipinas para bumaba ang tumaas na bilang ng mga tambay na Pinoy.

At ang kailangan daw na katambal ni Villar ay isang crime buster para sa peace and order.

Ang text sa atin ng ating mga suki: Ang dapat maging Bise Presidente ay sino man kina ex-Police General, ex-NBI Director, ex-DILG Secretary, ex-Senator at ex-Mayor Alfredo Lim at Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.

Tumpak ang tandem na ito: Villar-Lim o Villar-Duterte.

Si Lim ay walang rekord ng anumang katiwalian sa pagiging public servant. Siya ang kauna-unahang senador na hindi kumuha ng pork barrel fund. Sumunod sina ex-Senator Joker Arroyo at ex-Sen. Ping Lacson.

Si Lacson ay kumuha pa ng pork barrel sa unang termino ng kanyang pag-upo.

Ang Villar-Lim o Villar-Duterte ay naging laman na rin  ng kolum kamakalawa ni Percy Lapid sa kanyang ‘Lapid Fire’ sa Police Files TONITE (TTHS) at HATAW (MWF) at tinatalakay n’ya rin  sa kanyang programa sa radio – DWBL 1242 KHz sa AM band 12:00 midnite.

Si Villar ay tumakbo nang presidente noong 2010. Nanguna siya sa mga survey sa kanyang maagang pagsimula sa kampanya. Pero nang maglunsad ng ‘demolition’ ang mga kalaban ay nalaglag at pumangatlo na lang sa resulta ng halalan ang bilyonaryong dating senador.

Wala kasi sa ugali ni Villar ang gumawa ng anumang demolition o paninira sa mga kalaban sa politika. Dahil para sa isang malinis at maayos na politiko/negosyante tulad niya, may balik na karma ang manira ng kapwa.

Pero ngayong wala nang isisira kay Villar, ito na ang tamang pagkakataon para subukan n’ya uli ang tumakbong presidente. Dahil kailangang-kailangan ng bansa ang katulad niyang eksperto sa larangan ng pagnenegosyo.

Kailangang-kailangan na rin ng bansa ng isang Lim o Duterte na dudurog sa mga sindikato lalo na ang droga!

Villar-Lim o Villar Duterte sa 2016. Let’s do it!

Talamak na droga

sa Pandacan, Manila

– Magandang araw po. Report ko po ang sobrang talamak na ng bentahan ng droga dito sa Certeza st., Lorenzo dela Paz, Pandacan, Manila. Wala manlang pulis dito na nanghuhuli ng tulak. Kung manhuli man po ay kaagad ding pinalalabas, kunukuwartahan lang ang mga tulak. Sakop po ito ng Station 10 (MPD). Ang mga kilalang tulak dito ay sina Anot, Popoy, Adga, Lino, Kiko Kalabaw, Paguio, Grasya at Abet Bakla. Dito pa yan sa Brgy. 837, 839 at 840 Zone  91. Kaya po napakaraming adik at magnanakaw dito ay dahil sa napakaraming nagbebenta ng droga. Ang mga kilalang nagbabagsak ng droga rito ay sina alyas “Litoy”, alyas “Ocso” at alyas “Jekjek”. Nung si Lim po ang mayor ay wala rito ang mag tulak na ito. Nagbalikan sila dito nang maupong mayor si Erap. Dapat po siguro ay NBI o PDEA ang mag-operate dito. Salamat po. Huwag nyong ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Kolektong na si Ryan ng Batangas

gamit

ng CDIG

– Mr Venancio, nabasa ko ang kolum mo kahapon tungkol sa kolektong na si Ryan. Siya po ay kilala sa tawag na “Batangueno”. Pakawalang kolektor po siya ni Baby Marcelo para sa CIDG-Crame at CIDG-CALABARZON. Isa siyang sibilyan na naka-base sa Batangas. Alagang kolektor siya ng CIDG. – Concerned citizen

O, CIDG Chief Benjamin Magalong, General Sir!, ipinangongolekta raw sa mga ilegal ni retired Police Baby Marceo ang tanggapan n’yo gamit ang isang Ryan alyas Batangueño sa CALABARZON area. Say mo rito, General Magalong? Aksyon!

Talamak na rin ang droga

sa Cavite Provincial Jail

– Sir Joey, talamak narin po ang bentahan ng droga sa Cavite Provincial Jail sa Trece. Mistulang tulog pati si Warden, puro hinala sila na babae ang nagpapasok ng droga rito. Oo, babae nga at sa nalalaman ko rito ay tuwing Huwebes ang pagpasok ng droga dito at may mga cellphone pa ang mga preso rito. Sana makarating ito sa DoJ at maaksiyunan agad nila. Salamat po. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *