Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, deadma sa mga bagong patutsada ni Claudine

ni  Ed de Leon

TAHIMIK na tahimik si Gretchen Barretto sa mga patutsada ng kanyang kapatid na si Claudine, na nagsasabing ang mga kaso na isinampa laban sa kanya ng mga katulong na una niyang pinagbintangang nagnakaw ay pakana ng asawa niyang si Raymart Santiago at ng kapatid na si Gretchen. Pero siguro nga naisip ni Gretchen na wala naman siyang dapat ipaliwanag. Maliwanag naman kung ano lamang ang kanyang naging participation sa mga pangyayari.

Nabalitaan lamang niya na ang isang katulong dati ni Claudine na si Dessa Patilan ay nakakulong na ng 10 buwan sa city jail dahil sa bintang na pagnanakaw ni Claudine. Walang nag-aasikaso roon dahil wala na ngang malapitang kaanak. Nakarating din kay Gretchen na minsan ay tinangka na niyong mag-suicide dahil nawalan na nga ng pag-asa, nakulong pa.

Iyon lang naman ang dahilan kung bakit naawa si Gretchen at tinanong ang kaibigan niyang abogado, si Atty.Alma Mallonga, kung maaaring matulungan si Patilan ng walang bayad, dahil wala namang ipambabayad iyon. Siguro nga noong una, binigyan iyon ng abogado mula sa PAO, kagaya ng karaniwang nangyayari sa mga nadedemandang walang pambayad, pero tumagal nga ng 10 buwan sa city jail, ibig sabihin napabayaan.

Naawa rin naman si Mallonga at tumulong, pero kailangan ng pampiyansa. Nagpahiram si Gretchen ng pampiyansa. Pahiram dahil maibabalik din naman iyon pagkatapos ng kaso. Ang sinasabi nga ni Gretchen, walang ibang motibo na nagtulak sa kanya para gawin iyon kundi awa, after all naniniwala siyang walang sino mang tao na kailangang dumanas ng ganoong treatment, lalo pa nga’t hindi pa naman napaptutunayan kung may kasalanan nga iyon.

Ngayon nga ay nagkaroon ng pag-asa si Patilan. Pansamantala siyang nakatira sa isang halfway house habang hinihintay na matapos ang kasong isinampa laban sa kanya. At least hindi na siya nakakulong. At least mas maayos na ang kanyang kalagayan. Iyon lang naman ang sinasabi ni Gretchen na gusto niyang mangyari. Wala naman siyang pakialam kung ano man ang kalabasan ng kaso.

Lalo namang wala siyang pakialam sa kasong isinampa ng dalawang iba pang katulong ni Claudine laban sa dati nilang amo. Bakit pa nga ba magsasalita si Gretchen?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …