Sunday , December 22 2024

A dose of his own medicine

Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your request to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus. – Philippians 4:6-7

MAY nagtext sa atin na maganda sana ang hangarin ni dating Pangulong Erap Estrada sa Maynila at sa mga Manilenyo dangan lamang ay nasisira ito dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ito ‘yun mga taong mahilig magsulsol, magpaabot ng maling impormasyon para lamang makapagsipsip at makakuha ng ganansya.

Palibhasa hindi taga-Maynila!

***

MARAMI kasing mga kapalpakan na patakaran na inimplementa sa Maynila na nagmula sa suhestyon ng mga nasabing tao.

Mga suhestyong counter-productive sa Manilenyo, na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang nagaganap na pagbabago sa Lungsod.

Imbes na pasulong, ay paatras!

COUNTER-PRODUCTIVE POLICY

NILINIS daw ang mga vendor sa lansangan, pero ang totoo mas dumoble ang vendors sa Lungsod, ‘yan ang katotohanan. (Ibig din kayang sabihin na doble ang nakukuha nilang “kotong?”  Itanong kaya natin sa mga taga-DPS!)

Winalis daw nila ang bus, ‘yun pala ay nais lamang pakitain ang Park and Ride Terminal na isang pribadong terminal.

***

TRUCK ban daw, pero ‘yun pala naghihintay lamang na umalma ang mga brokers sa Aduana para sa isang cash-sunduan?

Mga polisiyang anti-people na ipinanukala ng mga taong may “hidden agenda.” Itanong n’yo pa sa mga kagalang-galang at kagulang-gulang natin Konsehal sa Maynila.

Hindi ba Konsehal Let-let?!

***

INALIS ang serbisyong libre sa mga pampublikong ospital, may bayad na ang bawa’t pagtungo sa anim na district hospitals sa Maynila.

Itinaas na rin ang amilyar, bilang pantustos daw sa serbisyo sa Manilenyo pero marumi pa rin ang Lungsod dahil nagkalat ang basura. Hindi rin masugpo ang krimen kaliwa’t kanan ang holdapan at patayan.

***

ISA sa nakakukunsumi sa Manilenyo ay ang salot naprivate towing services na binigyang accreditation ngManila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para sa walang habas na pag-tow ng lahat ng uri ng motor vehicles.

Samantala, naghihimutok naman ang mga empleado dahil nabigyan daw ng allowances ang pulis pero ang sariling empleado sa city hall ay wala.

Tanong tuloy nila, takot ba sa pulis si Erap?

TASK FORCE ILEGAL GAMBLING

TAMA ang isinulat ng ating bossing sa Hataw na si Jerry Yap na sentro na ng ilegal gambling ang Maynila.

Kalat na kasi ang lahat ng uri ng ilegal na sugal sa kahit saan sulok ng Maynila. Mapa-video karera, lotteng, hanggang ilegal bookies ng horse racing.

***

IRONIC mga kabarangay dahil nagtayo ng isang task force laban sa ilegal gambling ang city hall, pero imbes malipol ang mga ilegal gambling operation ay mas lalong dumami ito ngayon!

Susme, anong nangyari? ‘Yan ang dapat alamin ng dating Pangulong Erap!

***

SA mga nabanggit na pangyayari, tila parang nilalason ng sariling gamot si dating Pangulong Erap.

Unti-unti siyang “pinapatay” ng mga polisiyang isinubo sa kanya ng mga taong may pansariling interest sa politika.

‘Wag sanang bumula ang kanyang bibig, bago matapos ang 2016!

NATIONAL PRESS CLUB AT SI BOSSING YAP

BAGO na pala ang liderato ng National Press Club (NPC)matapos magpatawag ng ‘election’ nitong Linggo.

Pero nalulungkot ang inyong abang Lingkod na hindi na pala lumahok si bossing Jerry Yap sa NPC. Malaking kawalan si bossing Jerry sa NPC kaya naman maraming nanghihinayang na miyembro ng media. Marami kasing natutulungan si bossing Jerry noon pa man, mula nang maging Director hanggang maging Pangulo ng NPC, pero alam ko hindi naman magtatapos ang pagtulong niya sa kapwa media kahit hindi na siya opisyal ng NPC.

Wala sa posisyon ang pagtulong, nasa dugo ‘yan!

Para sa anumang komento, mag-email lamang sa [email protected] or mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *