TO Sinor H,
Napanaginipan q po ang pnsan qng babae, sa 22ong buhay magkahawig dw po kami..,sa ngaun po ay may asawa na sya, ang asaw nya po noon ay inlab sa xkn ngunit nabaliwala po un dhil hnd q pnpansin at iniiwasan ko un..hindi kaya iniisip pa rin aq ng b0y na un hngang ngaun. ..lalo pa at mgkamukha kmi ng asawa nya. ..aun sa pnaginip q kinunan daw po aq ng picture at ikinumpara sa pnsan q. ..im celenna!plz d0nt p0st my # sir.
To Celenna,
Kapag napanaginipan ang iyong pinsan, ito ay may kaugnayan sa ilang aspeto ng pagkatao mo na may pagkakahawig sa kanya. Maaaring paalala ito sa iyo na dapat lang na maglaan ng sapat na oras o panahon upang payabungin at/o i-develop ang iyong karakter.
Ang ukol naman sa picture o litrato, nagsasaad ito na mayroong relasyon na kailangang bigyan ng atensiyon. Maaaring dahil hindi mo tinitignan sa mas malalim na punto ang ugat ng problema. Alternatively, maaaring nagsasaad din ang panaginip na ganito na ikaw ay kumakapit pa rin sa nakalipas o sa mga maling pag-asa na inilalagay mo sa iyong isipan. Timbangin mong mabuti ang mga desisyong may kaugnayan sa pakikipagrelasyon, kung mabuti at tama ba ito o kung lalong magbibigay lang ito sa iyo ng sakit at pagdurusa.
Kung hindi nagpapakita sa iyo ng motibo ang lalaking in-love sa iyo noon na asawa na ng pinsan mo ngayon, maaaring nasa iyo ang problema at ito ay dahil nasa isip mo ang mga bagay na iyan mula pa noon at hindi ka pa nakaka-move-on. Dapat mong alisin sa iyong isipan ang asawa ng pinsan mo, kung ginawa mo iyan noon ay mas lalong dapat mong gawin ngayon upang hindi ka maka-apak ng ibang tao at makasira ng pamilya. Kung nagpapakita naman siya sa iyo ng motibo, mas lalong dapat kang umiwas sa kanya. Goodluck sa iyo.
Señor
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com