TWENTY FOUR months na lang eleksyon na. Maghahalal uli tayo ng bagong presidente, kapalit ng pababa nang Pangulong Noynoy Aquino.
Siyempre mag-eendorso si P-Noy mula sa kanyang partidong Liberal kung sino ang papalit sa kanya. Posibleng si DILG Secretary Mar Roxas ang kanyang mamanukin.
Pero mahina si Roxas sa masa. Katunayan, sa unang sigwada palang ng survey sa presidentiables ng Pulse Asia ay iniwanan siya ng milya-milya ni Vice President Jojo Binay na nakakuha ng 40 percent.
Malayo rin siya sa pumangalawa sa survey na si Senadora Grace Poe na nakakuha ng 15 pecent.
Si Roxas ay 6 percent lamang.
Pero, sabi nga… mayroong himala.
Isa sa mga himala na gustong mangyari ng kampo ni Roxas ay ang tumakbo uli sa pagkapangulo si impeached president Joseph “Erap” Estrada.
Kapag tumakbo kasi si Erap ay mahahati ang boto ng masa nila ni Binay at malaking bentahe ito kay Roxas.
Ito naman ang bagay na ayaw na ayaw mangyari ni Binay.
Sina Erap at Binay, tandem noong 2010, ay napabalitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi na nagkakabati ngayon.
Good signs ito para kay Rojas.
Anyway, maaga pa para pag-usapan ito. Pero sabi nga: “Daig ng maagap ang magaling.”
Sigurado akong kanya-kanya nang plano ang presidentiables.
Basta ako, ang ikakampanya ko ay ‘yung kandidatong magpapakulong sa mga sangkot sa pork barrel fund scam!
Oo! Dapat makulong at isoli nila ang bilyon-bilyong taxpayers money na kinulimbat nila sa atin. Pagkaisahan, ibagsak ang mga mandarambong (plunderer) sa 2016!
65% nang inmates
sa Bilibid
lulong na sa droga
– Mr. Venancio, gusto po iparating sa mga kinauukulan laluna kay Justice Sec. Liela de Lima na halos 65% ng inmates dito sa MAXIMUM ng Bilibid ay lulong na sa droga. Kasabwat ng bigtime na mga tulak at drug lords dito si “Lansang”. Siya ang sinasandalan ng mga bigtime na tulak dito. Grabe na po talaga ang droga rito. Yung nangyayaring mga patayan dito sa Bilibid ay droga po ang dahilan. Sana maaksiyunan agad ito ng gobyerno. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen
Naniniwala ako sa info na ito ng ating mata sa loob ng National Bilibid Prison. Dapat itong masusing imbestigahan ni Sec. de Lima. Aksyon, madam!
Kalsada sa Negros
‘di napagawa dahil sa away
ng mayor at congressman
– Sir Joey, may itatanong lang po ako. Bakit ang daan galing sa La Cestelliana papuntang Moises Padilla Negros Occidental hindi napagawa, puro butas at lubak. ganyan siguro pag kontra-partido ang mayor at congressman? Pati DPWH walang pakialam. Yan lang po. – 09335352…
Tong ng mga kolorum
sa MMDA sa Manila
– Mr. Venancio, grupo kami ng buiyaherong van sa Manila at may kolorum din. Grabe po si MMDA Evangelista at Lopez kumolekta. Dati tig-P1K weekly, now P2K na… para raw kasi yun kay Mariano, Aban at Salinas. Sana makarating ito kay MMDA Chairman Tolentino. – 09366823…
Bangketa sa nasunog
na Grand Central
sa Caloocan pinagkikitaan
ng taga-City Hall
– Sobra na po ang ginagawang kawalanghiyaan ni Mayor Malapitan at ni Castro dito sa lungsod ng Caloocan. Ito pong huli ay ang pagpapaupa sa bangketa sa nasunog na Grand Central. Kasama na po ang organizer na si Daisy. Nanghingi po sila ng downpayment na 5 libo hanggang 10 libo, gayundin ang P500 na arawan upa. Iligal naman ang pagpapaupa nila. sana po kaming vendors dito ay inyong matulungan. Salamat. – 09096070…
Sa tingin ko ay walang kinalaman si Mayor Oca Malapitan sa upahan sa bangketa d’yan sa Grand Central. Kaya ang mabuti ninyong gawin ay makipagpulong kayo kay Mayor para malaman niya ang inyong problema at maayos na yan. Okey?
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio