HA HA HA… nagkagulo ang mga senador sa umano’y “Napoles list.” Lalo na nang lumabas sa isang broadsheet ang pangalan ng 12 senador na umano’y laman ng listahan ng reyna ng higit P10-B pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.
Pero nabuking ni Senador Alan Peter Cayetano, isa sa 12 senador sa umano’y nasa Napoles list, na si Zandra Cam lang pala ang source ng The Daily Tribune na naglabas ng sinasabing listahan ng pork scamers.
Si Cam ay malapit sa mga Estrada. Sinasabing ‘bagman’ siya ni Erap sa jueteng noong presidente ang ngayo’y alkalde ng Maynila.
Nagbanta tuloy si Senadora Miriam Defensor-Santiago, kabilang din sa “Zandra Cam list” con “Napoles list” na libelous ang inilabas ng Daily Tribune. At tila nagpapahiwatig ang fighting Senadora na kakasuhan niya si Cam at ang naturang pahayagan.
Kinabahan naman si Cam. Naghuhugas-kamay sa inilabas ng pahayagan.
Anyway, sa tingin ni Cayetano ay gumagawa lamang ng diversionary tactics at “burn the house” operation ang kampo ni Estrada para guluhin at idamay sa imbestigasyon ang mga walang kinalaman sa multi-billion pork scam, na nakasuhan ng plunder o pandarambong ang anak ni Erap na si Sen. Jinggoy Estrada, kasama sina dating Senate President Juan Ponce Enrile at si “Amazing Kaps” Bong Revilla.
Ang plunder case sa tatlong senador ay umakyat na sa Sandiganbayan. Ano mang oras ay maari nang maglabas ng arrest warrant ang graft court. NO BAIL ang PLUNDER! Kaya umiikot na ang tumbong ng tatlong senadores…
Subaybayan natin ang kasong ito. Pera natin ang isyu rito.
Huwag bibitiw!!!
Suweldo sa 4Ps ipinansusugal lang!
– Sir Joey Venancio, dapat nang itigil ng gobyerno via DSWD ang 4Ps. Dahil ipinangsusugal lang ng beneficiaries nito ang kanilang nakukuha. Dito sa amin sa Balut, Tondo, kapag araw ng bigayan sa 4Ps, ang beneficiaries nagsusugal tulad ng tong-its at bingo. Istorbo nga sila sa bangketa, kungsaan sila nagsusugal. Mga nakabukaka pa ang mga babae. Sarap tusukin ang kanilang keps… Totoo ito, Sir Joey, subukan mong pumunta rito sa Balut pag araw ng bigayan ng 4Ps, ang sasaya ng mga tao, nagsusugal at nag-iinuman. Napupunta sa bisyo ang nakukuha nila sa 4Ps, hindi sa pag-aaral ng mga anak nila. Ang sarap nga ng buhay ng mga ito, hayahay… Huwag nyo nalang ilabas ang numero ko, Sir. Salamat. – Concerned citizen ng Brgy. 130, Balut, Tondo.
Totoo ito. Ganyan din dito sa aming barangay. Pag araw ng bigayan ng 4Ps, ang beneficiaries nagpipiyesta sa sugal at alak. Ewan!
Talamak na rin ang droga
sa Barugo, Leyte
– Gud day. Concerned citizen po ako dito sa Brgy. Cuta, Barugo, Leyte. May mga pusher na po dito ng shabu. Naging talamak na ang droga dito. Marami na ang nasira ang pag-iisip dahil sa paggamit ng shabu. Sana mahuli na ang mga tulak dito laluna itong ex-convict na si Jun Jun Atienza. Salot na ang taong ito sa aming lugar. Huwag nyo po ilabas ang numero ko, delikado. – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio