ni Ed de Leon
TALAGANG nakalulungkot isipin. Kung sa panahong ito ay idedeklara na ngang national artist si Nora Aunor, tapos ganyan namang puro mga pelikulang indie, meaning barya-barya lang ang kanyang kinikita sa mga ginagawang pelikula, parang nakahihiya naman.
Dapat naman, ang isang national artist ay binibigyan ng pagpapahalaga. Panay ang sabi nila na dapat ideklara na si Nora, dahil mukhang matagal nang inuupuan ang kanyang nomination sa Malacanang. Maraming dahilan eh. Una dahil daw doon sa sinasabi ng nga kritiko na nagkaroon siya ng kaso sa droga sa US. Ikalawa, sinasabi ring kilala kasi siyang campaigner ni Gloria Macapagal Arroyo na alam naman nating kalaban ng kasalukuyang administrasyon.
Pero hindi lang iyon eh. Gusto nilang maging national artist si Nora, hindi naman nila tinutulungan para makagawa ng isang proyekto na makatatanggap ng popular support, para ipakitang ang bayan ay talagang kinikilala ang kanyang pagiging artista. Hindi puwede iyang puro indie. Kailangan makagawa siya ng isang malaking pelikula.