Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May award pa kayang matanggap si Vice?

ni Ed de Leon

NAGKAKATAWANAN kami sa kuwentuhan noong isang araw, kasi may nagtatanong, manalo pa raw kaya ng isang “best actor” award iyang si Vice Ganda matapos siyang manalo nang minsan para sa isa niyang pelikula? Kaya naman ganyan ang tanungan, kasi totally snubbed siya ng kasunod na nagbigay ng award. Ni hindi yata siya nominated doon. Pero sinasabi nga nila, hindi naman iyon isang major award giving body. Kaya hintayin muna natin, may isa pa kayang magbibigay sa kanya ng award?

May mga nagsasabing baka nga wala nang kasunod iyong una. Malamang kasi matakot din naman ang ibang award giving bodies dahil sa eskandalong nilikha ng kanyang pananalo ng best actor. Lumabas ang issue ng “lagayan”. Oo nga at wala namang napatunayan. Nanahimik na lang basta ang mga involved tungkol sa mga bagay na iyon, pero nakatanim pa rin sa isipan ng mga tao na siguro nga nagkaroon ng lagayan hindi lang nila inamin. May umamin kasing nagbigay, pero natalo. Ibig sabihin mayroon sigurong nagbigay ng mas malaki, o kung hindi man mas malaki, mas nabantayan ang kanilang mga binigyan.

Ganyan ang sinasabing scenario noong maging best actor si Vice, bakit naman hindi matatakot ang iba pang maaaring magbigay ng award sa kanya, maliban na lang doon sa mga award giving body na talagang uso naman ang bigayan.

Pero rito sa atin, iyong mabigyan ka ng award ng isang award giving body lamang, tapos may ganyan pang controversy ay tiyak na sasabihin nilang dahil nga lang sa eskandalo iyon. Kailangan nga sana magkaroon ng confirmation iyan mula sa ibang award giving body na ”hindi nalalagyan”. Kung hindi iisipin talaga ng mga tao na bunga lamang ng lagayan iyon.

Sino nga kaya ang magbibigay pa ng best actor award kay Vice Ganda?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …