Friday , December 27 2024

Sibak at kulong for life sa abusadong grupo ni Col. Marantan

SINIBAK na sa serbisyo ang mga tarantadong opisyal ng PNP na kinabibilangan nina Supt. Hansel Marantan, Supt. Ramon Balauag, C/Insp. Grant Gollod, Sr./Insp. Jonh Paolo Carracedo at Sr. Insp. Timoteo Orig, mga senior police officers na sina SPO3 Joselito de Guzman, SPO1 Carlo Cataquiz, Jr., at SPO1 Arturo Sarmiento, mga police officers na sina PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO2 Al Bhazar Jailani, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.

Kaugnay ito ng nangyaring Atimonan, Quezon rubout noong Enero 6 na ikinamatay ng 13 katao, kabilang rito ang gambling lord na si Vic Seman at environmentalist na si Lontoc.

Napatunayan sa imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) na mga pekeng checkpoint ang ginawa ng grupo ni Marantan.

Na ang tanging purpose ng checkpoint ay ang pagpapatayin ang grupo ni Seman na umano’y  kalaban ng grupo ni Marantan sa illegal gambling operation sa Quezon.

Si Marantan ay nasangkot din sa maraming gawa-gawang “shootout” sa mga kriminal kuno sa Laguna.

Hindi lang dismissal sa serbisyo ang nararapat kina Marantan kundi dapat makulong din sila habambuhay.

Hindi sila dapat nasa custody ng PNP. Dapat nasa City Jail o Provincial Jail o National Bilibid Prison maximum compound ang mga kriminal na ‘yan!

Ang pagkasibak sa serbisyo sa mga nabanggit na opisyal, na produkto ng PNPA, ay magsilbing babala sana sa iba pang opisyal d’yan na naliligaw ng landas dahil sa bisyo at kinang ng salapi!

Ang hirap maging opisyal ng PNP… kaya sana pahalagahan n’yo ang profession n’yo, mga Sir!

Mag-ingat sa mga mandurukot

at salisi sa mga terminal

BABALA sa mga bakasyonista ngayong Semana Santa.

Mag-ingat sa mga terminal ng bus at pier. Maraming mga mandurukot at salisi d’yan.

Ilagay n’yo sa pinaka-safe na taguan ang inyong pera dahil matatalas ang mga mata ng mandurukot.

Huwag basta iwanan ang inyong gamit nang walang bantay or else baka kayo’y madale ng mga salisi.

Huwag magpumilit sa pagsakay kung walang tiket at loaded ang inyong sasakyan.

Sa mga magsi-swimming, magbaon ng sunblock para hindi masira ang inyong kutis.

Higit sa lahat, dalasan ang pag-inom ng tubig para iwas heatstroke at hindi matigok!

Happy holidays, kabayan! Hanggang bukas na lang rin kami at sa Lunes na ang aming balik…

Bakasyon time!

Mga erya pa sa Taguig

na talamak ang droga

– Mr. Venancio, residente po ako ng Western Bicutan, Taguig City. Nabasa ko po sa Police Files TONITE ang pagtalamak ng droga dito sa Taguig. Totoo po yun. Dito sa amin ay harap-harapan at kitang-kita ang mga driver ng jeepney na biyaheng Guadalupe-FTI dito sa Champaca st. ang punta sa may looban po ang bentahan dito, sa Blk 10. Wala po aksyon ang mga Cayetano dahil mismo kapatid ng aming kapitan dito ay protektor at pusher. Sana po malaman ito ng mga Cayetano. Huwag nyo lang po ilathala ang numero ko. Concerned citizen lang po ako.

Hindi lang si Mayora Lani Cayetano ang dapat kalampagin dito kundi lalo na ang hepe ng Taguig Police. Sino ba ang hepe n’yo d’yan? Aba’y magsagawa naman sila ng operasyon laban sa ilegal na droga. Aksyon, Kernel!

Panawagan sa Police Makati

– Mr. Venancio, panawagan lang sa mga otoridad ng Makati City. Yung mga batang nagtatakbuhan at nasabit sa mga sasakyan lalo na sa pampasaherong jeepney para manghingi ng limos dyan sa Chino Roces, Makati, nasaan ang mga barangay officials laluna ang mga pulis? Hindi ba nila nakikita ang mga batan yan? Mangdadamay yan ng disgrasya sa mga tsuper. Damputin nyo naman ang mga batang yan. Turuan ng leksyon kung hindi kaya ng magulang. – 0948660….

Totoo ito. Delikadong masagasaan at mahulog sa jeepney ang mga batang sumasampa sa mga pampasaherong sasakyan sa naturang lugar.

Makati City Mayor Jun Binay, pakipatrabaho lang po sa mga pulis ang ulat na ito. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *