Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apology to Mr. Eric Albano

NASA ‘Code of Ethics’ naming mga mamamahayag na kapag ang isang tao na aming nabatikos ay nagpahayag ng kanilang panig, ito’y dapat naming pakinggan, ilathala at tanggapin ang aming pagkakamali.

Katulad ng naging kaso namin ni Jack Castillo, isa sa aming editors sa Police Files TONITE, kay Ginoong Eric Albano, dating intelligence officer ng Bureau of Customs (BoC).

Nabatikos ko sa kolum si Eric nang minsan siyang sampahan ng kaso ng Revenue Integrity Protective Services (RIPS) ng Department of Finance (DoF). Na hindi namin batid na na-‘clear’ na pala siya ng Ombudsman sa naturang kaso.

Base sa ipinalabas na certification ng tanggapan ng Ombudsman, si G. Eric Albano, opis-yal ng Bureau of Customs, siya ay nilinis sa kasong isinampa sa graft court ng RIPS ng Department of Finance.

Kaya kami ni Jack Castillo ay humihingi ng paumanhin sa pagkakasulat na siya’y nasampahan ng kaso sa Ombudsman na napawalang-sala sa bandang huli.

Sa lahat ng pagkakapansila kay Eric, kami’y humihingi ng paumanhin.

Sorry Eric at sa iyong mga mahal sa buhay…

Many thanks to Presiding Judge Virgilio V. Macaraeg ng Manila RTC Branc 37.

You’re great, JUDGE! Mabuhay ka!!!

Sens Lapid at Recto absuelto

agad kay Justice Sec. De Lima

Absuelto agad kay Justice Secretary Liela de Lima sina Senador Lito Lapid at Ralph Recto sa nadiskubreng panibagong P300-M pork scam na pinadaloy naman sa National Agri-Buisness Corporation (NABCOR).

Sina Lapid at Recto, kapwa administration senators, ay binanggit ni dating NABCOR Vice President for Administration and Finance Rhodora Mendoza na nag-release sa kanila ng pondo para ibigay naman sa ilang non governmental organizations, kabilang na rito ang mga pekeng foundations ni Janet Lim Napoles, ang utak ng P10-B pork scam kungsaan sangkot naman sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Sina Enrile, Estrada at Revilla, pawang opposition senatirs, ay sinampahan ng plunder case sa Ombudsman na nakatakda nang iakyat sa Sandiganbayan. Kulong with ‘no bail’ to be followed!

Ayon kay De Lima, hindi naman binanggit sa affidavit ni Mendoza na kabilang sina Lapid at Recto sa nagpadaloy ng  kanilang pork barrel sa NABCOR.

Teka, kung wala sa affidavit ni Mendoza ang pangalan ng dalawang naturang gigolong senador, bakit binanggit niya ang mga pangalan nito sa interview ng media?

Maging ang lawyer ni Mendoza na si Atty. Baligud ay very vocal sa interview ng media na sina Lapid at Recto ay nag-release ng halos daang milyones na pondo sa NABCOR.

Ano ba talaga, Sec. De Lima, Atty, Baligud at Ms. Mendoza? Ang gulo-gulo nyo ha?

Siguro kung opposition senators itong sina Lapid at Recto, malamang nasampahan na sila ng plunder. Pramis!

Toy guns na-covert

sa tunay na baril

– Mr. Venancio, dito po sa amin sa Bauang, La Union, delikado po yung bibili ng mga laruan na pelet gun. Kasi po yung nakabili ng baril na laruan naka-convert pala ng caliver .22 may bala pa na handang pumutok kung sakaling paglaruan ng bata. Sana po paimbestigahan itong mga nagbebenta ng baril-barilan, makakapatay ang tinda nila. Pakitago lang po ang number ko. – Concerned citizen

Police matters ito. Kung sinuman ang hepe ng pulis dyan sa Bauang, paki-check lang po ang mga tindang toy guns dyan, mga Sir! Galaw-galaw naman pag may time…

Daming mandurukot sa Quiapo

– Mr. Venancio, dito po sa Carriedo, Quiapo andaming mandurukot. Harap-harapan na po kung mandukot. Ang mga pulis dito sa Plaza Miranda station mga bulag dahil may tarya sa kanila. – Concerned vendor

Naniniwala ako sa text na ito. Kaya malakas ang loob ng mga mandurukot dyan sa erya ng simbahan ng Quiapo ay dahil alaga sila ng mga pulis. Aminin!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …