Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, nagpaalam daw sa girlfriend para ligawan si Kris?

ni  Ed de Leon

MUKHANG enjoy naman si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista roon sa mga tsismis na umano ay nililigawan niya si Kris Aquino. Nagsimula iyan dahil doon sa tsismis na isang politician daw ang bagong lover ni Kris. Pero tandaan ninyo, ang isa pang sinasabi nilang nanliligaw kay Kris ay si Bataan Governor Abet Garcia, at mukhang mas gusto naming maniwala na sila nga.

Ewan kung sino ang nag-advise kay Herbert na sakyan ang mga ganyang bagay. Ewan kung naisip nga ba niya kung ano ang magiging epekto niyan sa kanyang personalidad na matagal na rin naman niyang iniingatan. Parang in bad taste ang mga lumalabas na kuwento. Itong sinasabi namin ay opinion lang namin, o sabihin nating isang unsolicited advise sa isang dating kaibigan. Pero napakasama niyong lumabas pang kuwento na umano ay nagpaalam pa siya sa kanyang girlfriend na alam naman nating siyang kasama niya ngayon, at kung kanino may dalawang anak na rin siya, na liligawan niya ang presidential sister. Kung minsan nangyayari rin naman na kahit na hindi talaga sinasabi ng mga artista, o nasasabi lang nila ng pabiro, siniseryoso naman ng mga nakaririnig para makagawa ng isang kontrobersiyal na kuwento. Pero dahil walang denial si Bistek, aba eh parang lumalabas na totoo iyan.

Hindi iyan maganda para sa image niya. Aba, parang lumalabas na iresponsable siya, dahil ilang babae ba ang kakasamahin niya at maaanakan bago siya maging seryoso? Pangit para sa isang artista na wholesome pa naman ang image dahil komedyante siya, at lalo na sa isang politikong kagaya niya, iyong masabing ganyan ang buhay niya. Siguro nasasabi lamang niya iyon nang pabiro pero hindi maganda.

Bakit, ang peg ba niya ay si Mang Dolphy? Pero alalahanin ninyo, tahimik lang ang buhay ni Mang Dolphy, maliban na nga lang noong bandang huli na naging medyo kontrobersiyal din ang kanyang mga girlfriend. Una kasi si Alma Moreno na naging live-in partner ni Rudy Fernandez, tapos siZsa Zsa Padilla, na alam naman ng lahat na may asawa rin bago naging sila.

Pero iba ang buhay ni Mang Dolphy eh, hindi kasi siya politician.

Shalala, may maipagmamalaki nang pelikula

HINDI pa namin napapanood, pero natutuwa kami sa magagandang reviews na nabasa namin tungkol sa pelikula ni Shalala, at mga respetadong film critics ang nagsulat ng mga review na iyon. Kagaya nga ng dapat asahan, walang pretentions ang pelikulang iyon dahil indie movie lang naman iyan. Basta ang mahalaga nakatatawa.

Matagal na naming kaibigan si Shalala. Nakilala namin iyan noong panahong nasa ad and promo pa siya ng isang malaking film company. Nasabi naming “noon” dahil ang film company na iyon ay mga low budget na lang din ang ginagawa ngayon. Hanggang sa mapunta nga siya kay Kuya Germs, at nagsimula ang Master Showman na tawagin siyang Shalala. Ayaw pang lumabas ni Shalala on cam, nag-away pa sila ni Kuya Germs dahil doon. Tingnan ninyo ngayon at may launching movie pa siya.

Hindi iyan ang unang pelikula ni Shalala. May mga nagawa na siyang mga indie noon, na medyo bastos kaya hindi namin isinulat. At least ngayon may maipagmamalaki na siyang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …