Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompiyansa sa sarili ni Vhong, aminadong nawala

ni  Roldan Castro

MASUWERTE si Vhong Navarro  dahil napaliligiran siya ng mga magagaling na komedyante sa bago niyang pelikula na Da Possessed na showing sa April 19.

Nandiyan sina Joey Marquez, Smokey Manaloto, Empoy, John Lapus, Beverly Salviejo, Joy Viado atbp..

First time rin niyang nakasama  si Solenn Heussaff at hindi na raw sila nakapag-workshop .

“Si Solenn po ang kailangan ni Direk Joyce (Bernal) na mag-pack-up ng eksena. Because ‘yung eksenang kukunan namin ay masyadong in love sa isa’t isa, eh, hindi na namin nakuhang mag-workshop, tapos mayroon kaming matinding bonding o samahan. At sa eksena na po na ‘yun maraming gustong hingin sa akin si Direk na hindi ko naide-deliver o naibibigay.

“Siguro nga po sa lahat ng pinagdaanan ko, nag-reshoot po kami mga February o first week ng March, medyo nahirapan po akong ibigay ‘yung gusto niya. Hindi ko po alam kung ano po ‘yung  nawala sa akin, tingin ko po ‘yung kompiyansa, nagkaroon po ako ng trauma pero noong time na kinakausap ako ni Direk Joyce, tinapat niya ako, parang kailangang mayroon tayong gawin para maibalik at maibigay mo sa akin ‘yung gusto ko, ‘yung karakter mo sa pelikula. Kinausap niya kaming dalawa ni Solenn na parang tulungan ako na maibalik ‘yun. Nagpapasalamat ako kay Direk Joyce at kay Solenn, sobrang nakatulong sa akin ang pag-uusap na ‘yun. Para akong nagsisimula ulit, sa tulong ni Solenn naibalik ‘yung kompiyansa ko,”pagtatapat ni Vhong.

Pinasalamatan din ni Vhong ang mga kasama niya sa pelikula na hindi ipinaalala ang masamang nangyari sa kanya kundi nagtatawanan na lang sila sa set. Kahit hindi sila nagkikita ng cast ay nagte-text ang mga ito sa kanya at ipinagdarasal daw siya.

Sey nga ni Tsong Joey: ”Hindi ka susuportahan ng tao kung nagsisinungaling ka, eh ang katotohanan na kay Vhong.

“’Yung nangyari sa akin parang pelikula na. Gusto ko lang talaga, matapos, malagpasan,” sey pa ni Vhong.

Nagbibiro rin daw si Direk Joyce noong unang balik niya sa shooting kung kaya pa niya? Gusto raw ba niya ay palitan na siya?

“Wala kang choice direk kasi may playdate na tayo, so ako  pa rin,”natatawa niyang kuwento.

May eksena si Vhong na binugbog siya sa pelikula, ginawa ba niya ‘yun o ipina-delete sa script?

“’Yun ang gusto ni direk na makunan na agad para makompleto na ‘yung isang eksena. Medyo roon kami natagalan. Hangga’t maaari ‘yun ang pinakahuling kukunan.

Anong reaksyon niya roon?

“Kapag rumolyo na ang camera, dapat gawin mo na ang character. Labas na  tayo roon sa ..kung ano ‘yung karakter ko sa totoong buhay. Basta, gampanan ko ‘yung karakter ko sa pelikula,”  aniya.

Hindi ba nag-flachback sa kanya ang nangyari dahil sa bugbugan scene?

“Basta ang inisip ko po ‘yung eksena mismo. ‘Pag ganoon pong mga bagay, iniiwasan ko pong isipin ‘yung nakaraan kasi mas gusto kong ma-focus dito, kasi iniiwasan ko po talaga ‘yung trauma, eh! Hindi pa rin nawawala ‘yung trauma, nandiyan pa rin po. Pero gusto ko pong maging professional kaysa isipin po ‘yung trauma,” saad pa ng komedyante.

Hindi rin daw sila nag-spoof sa mga nangyari kay Vhong at gawing katatawanan dahil naniniwala ang production sa ganda ng materyales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …