ni ROLDAN CASTRO
SA teaser pa lang ng Mira Bella, effective na kontrabida si Mika dela Cruz kay Julia Barretto. Dahil sa seryeng ito ay nawala siya sa youth oriented show na Luv U dahil conflict sa schedule niya.Flirty, flirty na model ang role niya kaya humingi siya ng tips sa ate niyang si Angelika dela Cruz. May pagka-boyish kasi siya sa pagtayo, pananamit kaya nagpapaturo siya sa ate niya. “Be natural,” ang payo pa ni Angelika sa kanya pagdating sa acting.
Ang pambu-bully sa kanya noong elementary siya ang pinaghuhugutan niya ng galit sa mga eksena niya sa Mira Bella.
“Kasi po artista ako. Yeah before, pero sobrang light lang naman. Grade two po ako noon. Parang lagi lang nilang sinasabi na porke’t artista, ganoon, na hindi naman po talaga dahil lagi po ako, never po akong nawala sa honor role.
“Sobrang sipag ko po na student and ‘yun po, they’re using it against me na parang dahil artist ako kaya kahit hindi ako masyadong pumapasok nasa honor roll ako,” kuwento niya.
Tumigil daw ang pambu-bully sa kanya noong tumigil siya sa school.
“Nag-stop ako ng one year kasi nagkasakit ako; primary complex? And ‘yung gamot na ‘yun ang naging side effect sa akin is depression. Parang ayokong maiwan sa school, feeling ko mapapahamak ako, feeling ko may papatay sa akin, so I didn’t go to school for one year,” bulalas pa niya.
Anyway, silang dalawa raw ni Sam Concepcion ang masamang nilalang sa Mira Bella. Kasama rin sina Enrique Gil, Pokwang, John ‘Sweet’ Lapus, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Diego Loyzaga, Nikki Bagaporo, Alexandra Macanan, Noemi Oineza, Ryle Paolo Tan, at si Miss Gloria Diaz.