Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, ayaw makialam sa love-life ni Tetay

ni  Roldan Castro

HINDI maiwasang kunan ng reaksiyon ang dating asawa ni Kris Aquino na si James Yap sa napapabalitang relasyon umano nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.

“Sana masaya siya, kung totoo man talaga. Ganoon naman talaga ang buhay, eh. Kailangan happy lang, ‘di ba?” sey niya sa presscon ng THE PEP LIST 2013.

Ayaw na raw niyang makialam sa umiinit na usapin sa KRISTEK.

“Bahala na po siya,” sey pa ni James.

Anyway, si James at si Kim Chiu ang nanalong Newsmakers of the Year sa Pepsters Choice Awards; Celebrity Pair of the Year naman sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez; TV Male and Female Star of the Year sina Vic Sotto at Kim Chiu;  Showbiz Treasures of the Year sina Joey de Leon at Nora Aunor.

Teen Stars of the Year naman sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose; Female and Male Child Stars of the Year sina Ryzza Mae Dizon at Renz Valerio; FAB Award winners sina Xian Lim at Lovi Poe;  Breakout Star of the Year si Tom Rodriguez; at OPM Star of the Year siDaniel Padilla.

Ang awards night ay gaganapin sa May 20, 2014 sa Solaire Resort and Casino.

Ai Ai, kinilig at namula nang makaharap muli si Dennis

NAGSILBING host naman si Ai-Ai delas Alas sa presscon ng The PEP List 2013.

Nagtawanan at sumaya ang crowd nang dumating si Dennis Trillo dahil nagba-blush si Ai Ai habang tinutukso sila ng press. Kunwari ay galit naman ang ka-loveteam ni Dennis na si Tom Rodriguez.

Nagsimula ang  Ai Ai at Dennis issue sa nakaraang Star Awards for Movies na nilaro ni Ai Ai si Dennis at nagbiro  pang mag-sex sila.

Nakuha naman niya ang number ni Dennis pero friend-friend lang. Hindi naman daw niya inalok ng Camaro dahil nagmo-move-on pa raw siya sa pain. Biro pa niya ‘wag na lang daw pain..from financial problem na lang daw.

Bet din sana ni Ai Ai na maging leading man si Dennis sa kanyang Cinemalaya entry na Ronda pero may ginagawa na  raw ito sa naturang festival. Naudlot daw tuloy ang pagtikim niya kay Dennis sa movie.

“Ikaw na lang kaya, friend? Ha! Ha! Ha!”  pagbibiro ni Ai Ai kay James Yap na katabi niya sa presscon.

“Patay tayo riyan!”   natatawang sagot ng basketbolista.

“Hindi kami talo niyan! At saka sabi ni James sa akin, ‘Friend, kahit maghubad ka sa harap ko, ‘no!” bulalas pa ni Ai Ai.

Close sila ngayon ni James pero hindi pa rin sila nagkakabati ni Kris Aquino. Nagsimula rin silang magkaaway ni James bago naging friends.

“So, parang sweet ‘yon kapag nagkaalaman na kayo na, ‘Ganito, friend, pasensiyahan o sorry, kasi ganito talaga ang buhay.’Yung nagkapaliwanagan kayo. Mas, I think, nakikilala ninyo ang isa’t isa. And I think, iyon ang nangyari sa amin kaya naging close kami ni James,” bulalas pa ng Comedy Concert Queen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …