Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn, pumayag mag-guest sa movie ni Shalala (Basta ‘wag na raw iba-blind item si Andi)

ni  ROLDAN CASTRO

NAKATSIKAHAN namin si Shalala sa celebration ng kanyang ika-18 taon sa showbiz na may launching film na siyang Echoserang Frog.

Dahil isa si Derek Ramsay sa nag-guest at ka-partner niya sa naturang movie, posible kayang mapantayan niya o malampasan ang kinita ng movie nila nina Vice Ganda at Derek?

“Kung  ang movie ni Vice umaabot ng P400-M ang kinikita, okey na sa akin na kumita ng P400,000,”tumatawa niyang pahayag.

Tuwang-tuwa si Shalala dahil pinagbigyan siya ni Derek na mag-guest sa pelikulang ito na showing sa Apil 2.

Aminado siyang crush niya si Derek at sa eksenang inakbayan siya  at talagang nagwater-water siya sa hunk actor.

“Para akong nag-come,” pag-amin niya  na tumatawa sa mga intimate scene nila ni Derek.

May premiere night ang naturang pelikula sa  March 31 sa Fishermall Cinema 5 na kasama sina Kiray Celis, Joross Gamboa, Angelu De Leon, Dennis Padilla, at Marco Alcaraz. Sumuporta rin sa kanyang launching movie  sina Kuya Germs, Alvin, at Angelo Patrimonio, Tonton Gutierrez,Wendell Ramos, Direk Joey Reyes, Lav Diaz, Jaclyn Jose (na sinabihan si Shalala na payag siyang mag-guest pero ‘wag na raw niyang i-blind item si Andi Eigenmann), Amy Perez, Mr Fu, Anita Linda, JC De Vera, Vin Abrenica, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Lucky Mercado, Empoy, Jojo Alejar, Perla Bautista, Odette Khan, John Nite, Lilia Cuntapay, Lou Veloso, Mon Confiado, Diego,Bona, Ate Shawie, Choco Martin, Jeremy Ian, at Dingdong Avanzado.

Ito ay sa direksiyon ni Joven Tan at prodyus ng Scenema Concept International.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …