Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, naetsapuwera sa movie ni Vhong dahil kay Cedric

ni  Roldan Castro

TANGGAP ni Ellen Adarna kung naetsapuwera siya sa pelikula ni Vhong Navarro bilang leading lady dahil sa pagkakaibigan nila ni Cedric Lee.

“Decision po ‘yun ng management. Hindi pa naman nila ako kinausap pa. But kasi mahirap din.Feeling ko every day na rin sila magti-taping. Ipu-push din ‘yung April 19 na showing. Eh, ‘yung time ko nandito sa series (‘Moon of Desire’),” reaksiyon niya nang tanungin siya sa presscon ng Moon of Desire na pinagbibidahan nila ni Meg Imperial kasama sina JC De Vera at Dominic Roque na magsisimula sa March 31 sa ABS-CBN 2.

Nanghihinayang siya sa pagkakatsugi niya sa movie ni Vhong pero thankful pa rin siya dahil siguradong mahihirapan din siya dahil walang tulugan ang taping niya sa Moon of Desire.

Hindi naman niya itinatanggi na kaibigan niya si Cedric  pero hindi sa level na nagte-texsan at mag-best friends. Nakilala raw niya ito noong lumabas siya at may mga common friend sila.

Tinanong din siya sa napabalitang ex-boyfriend niyang si JC Intal na nag-propose na ngayon kay Bianca Gonzales ng kasal.

“Ay, good for them, good for them! Happy naman ako sa kanya,” reaksiyon niya.

Ano ba ang naging real score sa kanila ni JC?

”’Yun ang pinakamalabong boyfriend ever. Wala talaga. Huwag na lang nating pag-usapan kasi engaged na, eh,” pakiusap niya.

Apat na taon na raw  ‘yung nakalilipas sa kanila ni JC at pinakamalabong six months sa tanang buhay niya.

‘Yun na!

Shalala, personal choice si Kiray

AMINADO si Shalala na sumasakit ang tiyan niya sa stress dahil sa nalalapit na showing ng  kanyang launching movie na Echoserang Frog na showing na sa April 2. Hindi raw siya makatulog kung hindi siya iinom ng sleeping tablet.

Actually, ang hinihingi  raw niyang role kay Direk Joven Tan ay ‘yung kaibigan ng bida pero malaki ang tiwala sa kanya  ni  Direk at laan talaga  para sa kanya ang nasabing project. Eighteen years na rin naman sa showbiz si Shalala at nararapat na rin siyang bigyan ng launching movie.

Personal choice niya si Kiray Celis na maging bestfriend sa pelikula?

Bakit si Kiray?

“Wala, nakasama ko ‘yung bata, mabait ‘yung bata. Pati ‘yung Nanay at Tatay, napaka-normal na pamilya.  At saka, ini-request ko rin dito na dapat nandito si Kuya Germs. Hindi puwedeng wala si Kuya Germs kasi, parang hindi naman kompleto ang pelikula kung wala siya,” bulalas pa niya.

Isa sa guest niya sa pelikula ay si Jaclyn Jose. Pinaghadaan niya talaga at sinaulo ang script.

“Noong dumating siya, sa eksena, ‘Day, nawala ako. Umpisa pa lang, nakakalimutan ko ang linya ko. Tapos sabi niya sa akin sa scene, ‘Sige ha, nag-guest ako rito, pero, alam mo naman, huwag mo ng i-blind-item si Andi (Eigenmann),’” tumatawa pang tsika ni Shalala na inuohan naman niya.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …