Thursday , November 14 2024

Internet shops o ‘piso net’ dapat nang lagyan ng regulasyon

LUMALAWAK na ang negosyong internet shops at maging ang mga “piso net” na kahit sa bangketa ay nakapuwesto.

Dapat ay lagyan na ito ng regulasyon at curfew hours laluna sa mga kabataan o menor de edad.

Dahil marami nang magulang ang mga nagrereklamo.

Ang mga kabataan ay natototo nang manood ng porno, mga bayolenteng laro at inuumaga na sa internet shops o sa piso net.

Dapat nang gumawa ng batas ang ating mga mambabatas ukol rito. Upang ang mga operator ng internet shops o piso net ay may susundang regulasyon at may katatakutang batas.

Sa Tondo lamang, sa aming barangay, inaabot ng madaling araw sa paglalaro sa piso net ang mga kabataan. Napapalo lang ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon kasi ay walang batas na nagre-regulate sa pag-operate ng internet shops. Kaya’t kung saan-saan nalang ito ipinupuwesto laluna ang piso net, kahit sa bangketa, eskinita o tabi ng kalsada ay inilalagay. Sagabal ito sa daanan ng mga tao. Minsan nagiging sanhi na ng away ng mga kabataan at magkakapitbahay dahil maiingay ang mga naglalaro.

Ang barangay naman kasi, na silang dapat mangalaga sa kaayusan sa kanilang lugar, ay dedma lang. Basta’t sila’y naaabutan ng operator, bulag at bingi na sila sa mga reklamo ng kanilang residente.

Congressman Atong Asilo (1st District ng Tondo), Manila Vice Mayor to be, pangunahan mo nga ang pagsulong ng bill na magre-regulate sa internet shops. Go, Vice Mayor! este Congressman pala. Hehehe…

Very exciting ang election

sa Manila sa 2016…

Ngayon palang, 26 buwan mula ngayon ay pinananabikan na ang eleksyon sa Maynila sa 2016.

Oo, very exciting ito – mula sa labanan sa pagka-mayor, bise mayor at kongresista at konsehal. Dahil halos mga last termer na ang mga nakaupo ngayon e.

Sa mayor, ang sigurado ay babalik ang action man at champion sa public service na si Alfredo Lim, the man of honors!

Ito ang mas exciting, ang sa vice mayor. Tiyak maraming last termer congressman ang tatakbo. Isa na rito ang napakabait na si Cong. Asilo ng 1st District ng Tondo. Malamang na kakasa rin ang mga batang Atienza, Lacuna, Bagatsing at Lopez.

Sa pagka-kongresista, ang mga last termer councilor ay siguradong magrarambol ang mga ito. Bet ko sa aming distrito ang mabait at walang kahangin-hangin sa katawan na si Konsehal Nino dela Cruz, apo ni Mayor Lim.

Anyway, 26 months pa naman bago mangyari ito. Magtrabaho at mag-ipon muna kayo. Hahaha…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *