Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko at Diego, hindi pa hinog sa pag-arte (Kaya pinalitan nina Enrique at Sam)

ni  Reggee Bonoan

HINDI itinanggi ng AdProm manager ng Dreamscape Entertainment Television na si Biboy Arboleda sa grand presscon ng Mira Bella na hindi pa hinog pagdating sa pag-arte sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga kaya sila pinalitan bilang leading men ni Julia Barretto.

Sina Enrique Gil at Sam Concepcion na ang bagong leading men ni Julia samantalang si Diego ay support na lang sa Mira Bella minus Kiko.

Detalyadong paliwanag ni Biboy, “siyempre po kami sa Dreamscape at sa ABS-CBN ay hindi naman kami parating nakaka-hit ng jackpot. Kailangan naming harapin na minsan, may pinagde-desisyonan kami bilang grupo na gumagawa ng teleserye na pang-telebisyon na sa tingin namin sa umpisa, ‘uy, okay ito, magwo-work ito’.

“Pero iba na po ang proseso ngayon sa paggawa ng teleserye mula sa sinaunang panahon, may nalalaman na po tayong group discussions, previews, ang dami pong kinu-konsulta, ang daming kinukuhanan ng opinyon, suhestiyon, komentaryo at lahat-lahat na.

“Ibig sabihin po ng prosesong ito ay para makasigurado tayo na ang kalidad na ibibigay ng Dreamscape sa mga Kapamilya viewer worldwide ay sapol and we hit the jackpot.

“The first jackpot that we hit was a product na sa tingin natin ay dumaan sa proseso ang mga ito para llamado.

“Pangalawang jackpot po at matatawag ko riyan ay bonus kapag tumabo sa ratings.

“Yes, initially Julia had two leading men in ‘Mira Bella’ and then yes, we previewed at hindi po ibig sabihin nito na the two previous leading men na sina Kiko at Diego ay hindi mahusay at magaling na mga aktor.

“They are still teenagers and give them a little chance to grow and part po ng proseso ng growth ng mga batang artistang ito ay they will be offered roles, they will audition, they will tape, they will do the publicity and composure that applied, whoops TV whoops almost but not quite.

“At the end of the day po, ABS-CBN and Dreamscape is a business enterprise and when we say businessm we earned, generate at kagigiliwan ng manonood, wala pong personalan. I think the two kids, Diego is still part of the cast are good sports naman.”

Kaya abangan ang Mira Bella sa Lunes, Marso 24 kapalit ng Anna Liza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …