ni Alex Brosas
TODO paliwanag ang kampo ni Paulo Avelino at sinabing na-hack daw ang Twitter account ng binata.
Hindi raw siya ang nag-post ng mga messages patungkol sa pagkakait ni LJ Reyes sa kanilang anak. Lumabas kasi sa tweets ni Paulo na hindi ipinakikita ni LJ ang anak nila.
But his camp explained na na-hack ang Twitter account ng hunk actor kaya hindi siya ang nag-tweet ng message na ‘yon.
Nakapagtataka lang na alam na alam ng hacker na mayroong away ang ex-couple. Bakit alam niya ang hindi pagpayag ni LJ na makita ang anak nila? At bakit pati yaya ng anak nila ay tila kilala ng nag-hack?
Naibalik na kay Paulo ang kanyang Twitter account. Binago na lang daw niya ang password.
Isa kami sa hindi naniniwala na totoong na-hack ang account ni Paulo. Maraming netizens din ang nagsasabing hindi totoo ang alibi ng hunk actor.
Sabi ng isang guy, “Maang-maangan school of hacking.”
“Wow ha?! Kapag naging nega ang image da netizens ang excuse: na-hack ang account???!!! Tsk tsk! Akala kc ni Paulo he will gain sympathy sa ginawa nia… Kabaligtaran tuloy ang nagyari! Har har har.”
“Ang corny naman ng hacker na yan kung yan ang pinagpopost. Isip isip pa ng ibang palusot. Or mas maganda kung isip isip muna bago nagpost.”
“Damage control to! And I don’t buy it! Think before you tweet! Sinisi pa ang hackers! Utot mo!”
Ilan lamang ‘yan sa mga nabasa naming reaction ng mga tao sa cyberspace.
Those were the anti-Paulo rants that we read sa isang popular website.
Bakit nga ba convenient excuse ng ilang artista ang katangang na-hack ang account nila?