ni Reggee Bonoan
MULING mapapanood sa dance floor ang Asia’s Dance Goddess, Representative Lucy Torres-Gomez ng Ormoc City sa Celebrity Dance Battle sa TV5, Marso 22, Sabado, 7:45 p.m. with co-host, Semerad twins na sina David at Anthony.
Natuwa ang magandang misis ni Richard Gomez nang sabihan siya ng TV5 na magkakaroon ulit siya ng dance show dahil noong nawala raw ang Shall We Dance na umere ng limang taon ay sobrang nalungkot siya.
Kaya raw nalungkot noon si Lucy ay, “I always saw TV5 as my playground when we were doing ‘Shall We Dance’. For me, it has always been a happy place for me to in.”
Sa Shall We Dance, kahit sino ay puwedeng sumali samantalang sa Celebrity Dance Battle ay para naman sa mga kilalang personalidad.
“This time, the contestants are celebrities like basketball star, Gary David, Valerie Concepcion (actress), former beauty queen, Priscilla Meirelles-Estrada and transgender Kevin Balot.”
Aniya, hindi raw kasi sumasayaw ang ilang celebrities dahil nahihiya o kaya sinasabing hindi sila marunong kaya aarte na lang sila sa harap ng kamera huwag lang pasayawin o pakantahin.
“The possibilities are endless and I hope a lot of celebrities will go beyond the fear of dancing and just enjoy.
“I do understand why some celebrities have reservations about being part of a dance show mainly because they don’t want to make mistakes. I do hope they also understand that this is all in good fun,” say ni Lucy.
Naikuwento ni Lucy na kabado rin siya noong nagsisimula pa lang siya sa Shall We Dance dahil ilang oras lang ang ibinigay sa kanya para pag-aralan ang dance steps dahil eere na kaagad sila kinabukasan.
“Before it was all hand to mouth. I had to learn how do a dance number and then perform it tomorrow or sometimes in three days prior but most of my dance numbers, I had to learn overnight.
“People saw me learning so there were a lot of mistakes, embarrassing moments when we were just trying to wing it,” kuwento ng TV host sa launching ng Celebrity Dance Battle.
At dahil daw sa experience niyang iyon sa Shall We Dance ay nagkaroon siya ng confidence at sa pagsisikap ding matutuhan lahat ng klase ng sayaw ay heto, siya na ang tinawag na Asia’s Dance Goddess.
Samantala, ang mga hurado ay kilalang dance choreographer at dance guru na si Douglas Nierras, international ballroom professional at dance sport Olympian Edna Ledesma, TV host/actress dance diva G Toengi, professional model at international celebrity and America’s Next Top Model Allison Harvard.
Celebrity Dance Battle, malaking hamon sa kakayahan ni Direk GB
SPEAKING of Celebrity Dance Battle, ngayon lang magdidirehe si direk GB Sampedro ng dance show na wala naman daw itong pagkakaiba sa mga idinidirehe niyang shows at concerts.
“Ibang direktor ‘yung ‘Shall We Dance’ rati, wala pa ako sa TV5 noon, nasa ABS-CBN pa ako,” say ni direk GB.
Karamihan daw kasi ng idinidirehe ni GB ay, “talk show like ‘Face the People’, ‘Paparazzi’, tapos ‘Showbiz Police’ na wala na ngayon. Nagkaroon din ako ng chance na magdrama-drama, ‘yung five star anthology, way back 2010 nang lumipat ako sa TV5.
“Nag-‘Artista Academy’ din ako na may pagka-musical, reality show. Sa ABS puro talk show din ako, nagkaroon din ako ng reality show, ‘yung ‘Pinoy Fighter’ dati, tapos puro soap at drama. Kaya ito (‘Celebrity Dance Battle’) talaga ang pinaka-first dance show ko.”
Samantala, ang mechanics ng programa ay, “hinati sa tatlong cycles ang mechanics ng ‘Celebrity Dance Battle’ at sa bawat cycle ay may apat na pares silang celebrity contestants, every week may elimination, ‘yung maiiwang isa sa apat, siyempre papasok sa grand finals, cycle 2, kukuha kami ng isa, cycle 3, kukuha ulit ng isa tapos magkakaroon ng wild card kaya ‘yung mga nawala rati, muling ibabalik.”
As of now ay isang season daw muna ang Celebrity Dance Battle, depende raw sa management ng TV5 kung mae-extend ito at matutulad sa Shall We Dance na umabot ng limang taon.
Mapapanood na ang Celebrity Dance Battle sa Marso 22 Sabado, 7:45 p.m. sa TV5.
Direk GB, naghahanap ng makaka-date
Sa kabilang banda, biniro namin si direk GB kung may nagdadala sa kanya ng foods sa condo unit niya sa The Fort.
Ito kasi ang running joke ngayon na, ‘punta ka condo, dala ka foods.’
Tumatawang sabi sa amin ni direk GB, “walang nagdadala sa akin ng foods sa condo, maski bantayan n’yo pa. Hindi uso sa akin kasi sa labas ako kumakain.”
Edad treinta’y otso (38) na si direk GB pero nananatiling single, “wala nga akong mahanap, eh. Hindi ko nga alam, ayaw nila sa akin,” nakatawa uling sabi sa amin.
Pero pangarap niya, “dapat bago ako mag-forty (40), dapat may asawa na ako, so dalawang taon pa.”
Nakailang girlfriends na si direk GB pero hindi niya naisipang magpakasal, nagka-trauma ba siya?
“Hindi naman, siguro napagod lang, pero dapat bago mag-40, mayroon na, kasi hindi na naman ako bumabata, so gusto na ring mag-settle down,” say ni direk GB.
Wala raw idine-date ngayon ang nasabing direktor, “sana nga mayroon na para hindi lang puro trabaho.”
At higit sa lahat, hindi type ni direk GB ang fling, “wala, hindi ako mahilig sa ganoon, mukha lang ako (babaero), wala, hindi talaga.”