ni Alex Brosas
GRABE namang makapanira ang mga galit kina Julia Barretto at Enrique Gil.
Mayroon kasing kumakalat na photo ng isang babaeng sinasabing si Julia lookalike na kasama ang isang lalaki na halos yakapin at halikan siya. Labas ang tiyan ng girl sa photo na obviously ay kuha sa party at mukhang lasing na ang girl.
The other photo naman involves Enrique naman ang bida. The photo showed the young actor at parang kuha rin sa party ang shot. He was being kissed on the cheek by an unidentified guy.
We feel na hindi naman si Julia ang nasa photo na aming nakita, parang lookalike lang niya. It was being circulated sa internet para siguro palabasing lasengga siya. Hot na hot kasi si Julia ngayon, ang daming commercials at mayroong pang bagong soap opera na lalabas na kasama niya si Enrique.
We feel na sinisira ng isang kampo ang dalawa dahil mayroon silang bagong teleserye. Ganoon lang naman ‘yon. Sikat kasi silang dalawa at ang ganda pa ng kanilang image kaya siguro may naiinggit diyan.