Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Denise, engaged na sa basketbolistang si Sol

ni  ROLDAN CASTRO

ENGAGED na  si Denise Laurel  sa kanyang boyfriend na basketball player na si Solomon “Sol” Mercado. Naghahangad naman talaga si Denise ng isang buong pamilya  lalo’t close ang boyfriend niya sa kanyang anak. Bukod dito, matagal na raw niyang friends si Sol bago pa sila naging mag-on.

Pero teka, hindi kaya magselos sina Sol at Bea Alonzo (girlfriend ni Zanjoe Marudo) dahil kinakitaan ng mga manood ng chemistry ang tambalan nina Zanjoe  at Denise  sa top-rating primetime family drama na Annaliza?

Ngayon pa lang ay nasasabik na ang fans ng serye sa namumuong pagtitinginan ng mga karakter nila bilang Guido at Isabel. Sa nakaraan nitong episode na nag-beach outing ang pamilya nina Guido at Isabel kasama ang mga bata, hindi mapigilan ng netizens na kiligin sa dalawa kasabay ng malalagkit na tinging ibinibigay ni Guido kay Isabel. Excited na rin sila na makuhang muli ni Annaliza (Andrea Brillantes) ang pangarap na buo at masayang pamilya.  Suklian kaya ni Isabel ang pag-ibig ni Guido? Maging isang pamilya na kaya sila? Huwag nang bibitiw dahil isa na namang buhay ang mabubuwis sa ngalan ng paghihiganti. Sino ang mamamaalam? Pakatutukan ang huling dalawang linggo ng Annaliza, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …