Monday , December 23 2024

Yolanda victims walang napakinabangan? Saan napunta ang relief goods at international aids? (Wala na ba talaga?!)

00 Bulabugin JSY

UBOS na raw ang relief goods at financial aids mula sa mga international organizations para sa mga biktima ng daluyong na si Yolanda.

Kaya ang tanong natin, ANG BILIS NAMAN…SAAN NAPUNTA?!

Naipamahagi ba talaga?! Nabulok o naibulsa?!

Sa totoo lang, marami ang nagtataka kung bakit maraming biktima ang nagrereklamo na wala silang natanggap na tulong tapos ngayon nagdedeklara ang gobyerno na ubos na ang relief goods.

Sakali mang hindi ‘naibulsa’ ‘yang relief goods and financial aids (kung sakali lang ‘yan), tingin natin e mayroong malaking diperensiya ang ahensiyang namahala sa pag-aasikaso sa mga biktima ng Yolanda.

Totoong kailangn ng immediate na pagtugon, pero habang ginagawa ba ito ay gumawa man lang  ba ng ‘mapping’ ang NDRRMC at ang DSWD kung gaano kalawak ang mga napinsala at kung gaano karaming tao ang dapat na abutin ng tulong na natanggap nila?!

Kung hindi tayo nagkakamali, nag-take-over ang national government dito – pero ano nga ang nangyari?!

Ayaw na natin balikan ‘yung senaryo na nakipag-away si SILG Mar Roxas kay Mayor Alfred Romualdez. Sa Tacloban ‘yan. ‘E yung mga napinsala sa isang isla sa Cebu, sa Antique, sa Samar, sa Bohol at sa Roxas City mismo.

‘Yung sa Palawan?!

Were they accounted properly?!

S’yempre sasabihin nila, wala naman kayo sa sapatos namin kaya ang dali-dali ninyong magsabi nang ganyan.

Yes, it’s true.

Pero kaya kami nandito para maghatid ng impormasyon sa inyo ‘di ba?

Pwede naman papuntahan ninyo o i-validate ninyo ang mga reklamo.

Aba, e baka mapudpod ang mga daliri ninyo kababasa sa mga mensaheng pumasok sa inbox natin dahil lamang sa mga reklamong walang nakararting na relief goods sa kanila.

Anyway, wala na po tayong magagawa kung wala na talaga.

Dalawang bagay na lang po ang dapat tandaan ng kung sino man ang nag-TIMON d’yan: magkaroon ng assessment sa insidenteng ‘yan at magdisenyo ng mga kongkretong paraan upang huwag maulit ang napakadelingkwenteng pagtugon sa mga mamamayan na biktima ng kalamidad.

Tingin din natin ‘e dapat, i-assess ng Pangulo ang performance ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

Ilang kalamidad na ang kanyang pinagdaanan pero laging palpak ang paghahatid nila ng tulong sa ating mga kababayan.

Naaalala n’yo pa ba nang lusubin ang bodega ng DSWD sa Davao City dahil inimbak lang doon ang relief goods at hindi ipinamigay sa mga nangangailangan?!

Natatakot ba ang Palasyo o si PNoy na galawin si Secretary DINKY dahil baka magmarkulyo ang HYATT 10 gaya ng ginawa nila kay PGMA?!

Tsk tsk tsk  …

Kung ang isang grupo lang ng HYATT 10 ang pinangangambahan ni PNOy kaya hindi niya maisaaayos ang kanyang administrasyon, hindi na tayo magtataka kung pagkatapos ng kanyang termino ‘e hindi man lang magmarka kung ano mang kabutihan o kahenyohan ang kanyang nagawa.

Ano ang mahihita ng mga mamamayan sa isang administrasyon na sandamakmak ang ‘SPOILED BRATS’ na pwedeng mag-AMOK kapag hindi napagbigyan ang kagustuhan?!

Sasabihin ba nating si PNoy ay biktima ng EMOTIONAL BLACKMAIL mula sa hanay ng mga ‘SPOILED BRATS’ sa PNoy administration?!

Paki-EXPLAIN nga ulit!

HINDI ‘CALL-A-FRIEND’ ANG ISYU KUNDI BAKIT NAG-LEAK KAY VP JOJO BINAY ANG INFO

MARAMI ang nagtataka kung bakit ‘SINIPA PAITAAS’  sa (PRO7 Regional Director) ‘daw si Task Force Tugis chief, Sr. Supt. Conrad Capa matapos nilang arestohin ang puganteng si Globe Asiatique owner Delfin Lee noong nakaraang linggo sa Hyatt Manila.

Ang sabi dahil daw nag-leak sa Media ang pag-arbor ‘este’ pag-call-a-friend ni Gov. Alfonso ‘boy’ Umali kay PNP Chief Gen. Allan Purisima sa pagkasakote kay  Delfin Lee.

Pero sa totoo lang , ayon sa ating informant, hindi naman ito ang tunay na isyu.

Ang isyu ‘e ‘yung, bakit nag-LEAK at nakarating kay Vice President Jejomar Binay agad ang ‘CALL-A-FRIEND’ ni Gov. Alfonso ‘Boy’ Umali sa kaso ni Lee.

‘Yun ‘yon ‘e … bakit SUMINGAW sa kalabang ‘este’ kabilang partido?

Sinong kamote ang nagbato ng info kay VP Binay?

‘E alam n’yo naman si Gobernador BOY UMALI, hindi siya basta close lang kay PNOY …kundi very, very close sa ating Pangulo.

Anyway, Kernel Conrad Capa, good luck on your new endeavour.

MGA PASAWAY NA TAXI SA NAIA T-1 DEPARTURE AREA

Speaking of NAIA Terminal 1…

Puwede bang paki-monitor ni T-1 Terminal Manager Dante Basanta ang mga pasaway na taxi driver na ginagawang terminal ang bungad ng Departure Area.

Halos ayaw na nilang umalis sa pagkakaparada hangga’t walang pasaherong sumasakay despite of the fact na limited lang ang parking space para makababa ang inihahatid na departing passengers at ma-unload ang mga bitbit na bagahe.

Hindi masawata ang masamang bisyo ng mga taxi driver, even private car owners/drivers ay naging habit na rin nila ang umistambay sa bukana kung kaya’t nagiging imbudo at nagiging cause of long traffic.

Pagsapit naman ng gabi sa departure area ng T1, sa mismo rin lugar ay makikita naman ang mga taxi na nakahilera.

Parang taxi terminal na. Sino kaya ang kumikita sa raket na ito? Reklamo rin ng mga airline at airport employees ang diskriminasyon sa mga pasahero ng pasaway na taxi drivers.

Ang gusto lang isakay ay mga newly arrive passengers para maloko nila.

Anak ng tokwa!

MIAA AGM-SES Gen. Vicente Guerzon Sir, sino ba dapat ang nangangasiwa ng traffic diyan sa T-1 departure area!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *