Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zaijian, puwede nang ihilera kina Coco, Piolo, at John Lloyd (Ikaw Lamang trending worldwide!)

ni  Maricris Valdez Nicasio

HINDI kataka-taka na nag-trending ang pilot episode ng Ikaw Lamang na may hastag na #IkawLamangGrandPilot noong Lunes dahil talaga namang kamangha-mangha ang bagong proyektong ito ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN2. Umani rin ng papuri ang mga batang nagsisiganap dito na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles, at Xyriel Manabat.

Bukod sa istorya, pinuri rin ang production design, scoring, at siyempre ang mga acting ng mga nagsisiganap.

Sa totoo lang, hindi nagkamali ang Dreamscape sa pangunguna ni Mr. Deo Endrinal sa pagkuha kay Zaijian para gumanap na batang Coco Martin. Kuhang-kuha ni Zaijian ang ibang gawi ni Coco at lalong ipinakita rito ni Zaijian ang galing niya sa pag-arte na una na nating napanood sa May Bukas Pa.

Kapuri-puri rin ang tatlo pang batang sina Louise (batang Jake Cuenca), Alyanna (batang Kim Chiu), at Xyriel (batang Julia Montes) na kapag nag-uusap-usap ay parang mga matatanda na. Sa mahahabang linya, naide-deliver nila ng maayos at naiaarte ng tama.

Sa napanood naming episodes sa advance screening ng Ikaw Lamang, masasabi naming maaari nang ihanay si Zaijian kina Coco, Piolo Pascual, at John Lloyd Cruz dahil sa galing at lalim ng acting na ipinakita nito.

Sa mga susunod pang gabi, lalong hahangaan tiyak ng mga manonood si Zaijian dahil lalo pang magpapamalas ng galing sa pag-arte ang batang ito. Kahit madalas niyang kaeksena ang magaling at premyadong aktres na si Cherry Pie Picache, hindi ito nagpakabog gayundin sa eksena nila nina Tirso Cruz III at John Estrada.

Kaya tumutok lagi sa ABS-CBN para mapanood ang master-seryeng Ikaw Lamang pagkatapos ng Honesto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …