ni Nonie V. Nicasio
BINABATI namin ang pinakamabait na publisher sa balat ng lupa, si Sir Jerry Yap dahil sa kanya iginawad ang parangal bilang Darling of the Press sa nagdaang 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Solaire Hotel last Sunday, March 9.Tulad ni KC Concepcion, mga bigatin din ang naungusan ng Hataw publisher at ALAB National chairman sa parangal na ito. Kabilang sa mga showbiz personalities na ito sina Piolo Pascual, Luis Manzano, Vicky Morales, at pati si KC mismo.
Para sa kaalaman ng lahat, dahil dati naman akong member ng PMPC, ang Darling of the Press award ay pinagbobotohan ng lahat ng miyembro nito. Unlike sa lahat ng acting and technical categories na ang mga voting members lang na nag-review ang puwedeng bomoto.
Anyway, gaya nga ng nasabi ni Kuya Ed de Leon sa Facebook, “Si Jerry Yap ay hindi isang entertainment writer, pero makikita mo sa kanya ang parehas na pagpapahalagang ibinibigay niya sa mga entertainment journalists bago pa man siya naging pangulo ng NPC noon. Ipinaglalaban niya ang mga entertainment writers sa kanyang mga panulat. Hindi niya inaamin pero nagpapadala pa siya ng tulong sa mga may sakit at sa mga yumaong entertainment writers. Sa haba ng panahon ng aming career, iyang si Jerry Yap lang ang kaisa-isang publisher at pangulo ng National Press Club na nangumusta sa mga may sakit na entertainment writers, at naranasan namin iyan. Higit sa lahat, isa si Jerry Yap sa iilan na lang publishers na nagbabayad nang maayos at tapat sa mga manunulat…”
Sa pagkakatanda ko rin, kinikilala at laging binibigyan ng pagpapahalaga ni Sir Jerry simula’t sapol ang mga miyembro ng entertainment press sa mga pagtitipon ng National Press Club. Talagang lagi siyang nakasuporta sa ikaaangat ng media kasama na rito ang entertainment press.
Actually, bukod sa darling of the Press, puwede rin tawagin si Sir Jerry bilang Darling of the Depressed dahil sa rami ng kanyang mga tinutulungang taga-media na sobrang depressed sa rami ng kanilang problema sa buhay (joke lang po Sir).
Again, congrats po sa inyo Sir Jerry!