Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Mig vs Globalport

BAGAMA’T huling koponang magpupugay, ang San Mig Coffee ay pinapaboran kontra sumasadsad na Globalport sa kanilang pagtatagpo sa PLDT Home TVolution PNA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Halos parehas naman ang laban ng Alaska Milk at Air 21 sa ganap na 5:45 pm.

Ang Mixers, na nagkampeon sa nakaraang Philippine Cup, ay pangungunahan ng import na si James Mays, isang produkto ng Clemson University. Kinuha  ng San Mig Coffee si Mays dahil sa sobra sa tangkad si Denzel Bowles.

Si Mays ay naglaro para sa Central African Republic  sa nakaraang FIBA  African Championship kung saan nag-average siya ng 20.1 puntos,  15 rebounds, dalawang assists at dalawang  steals.

Makakatunggali ni Mays ang nagbabalik na si Erin Brock na susuportahan nina  Jay Washington, Terrence Romeo, RR Garcia, Justin Chua at bagong lipat na Alex Cabagnot.

Ang Globalport, na ngayon ay hawak ni head coach Alfredo Jarencio na humalili kay Ritchie Ticzon, ay nakaranas ng magkasunod na pagkatalo sa Air 21 (83-78) at  Alaska Milk (93-77).

Kapwa may 1-1 records ang Aces at Express.

Bago nagwagi kontra Globalport, ang Alaska Milk ay inilampaso ng Talk N Text, 85-72. Umaasa si coach Luigi Trillo na maipagpapatuloy ng Aces ang kanilang arangkada upang makabawi sa masagwang performance sa nakaraang Philippine Cup kung saan nahirapan silang pumasok sa quarterfinals at natalo sa Barangay Ginebra upang maagang magbakasyon.

Pinabalik ng Alaska Milk bilang import si Rob Dozier na tutulungan nina Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio at Calvin Abueva.

Ang Bolts ay tinambakan ng San Miguel Beer,  94-76 noong Biyernes. Magkaganoon man ay kompiyansa si coach Paul Ryan Gregoro na makakabawi ang kanyang mga bata.

Kinuha ng Meralco ang 6-10 na si Brian Butch na tanging puting import sa sampung reinforcements sa torneo. Makakatuwang niya sina Gary David, Reynel Hugnatan, Cliff Hodge at Jared Dillinger.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …