Monday , December 23 2024

PDAF ni Bagatsing, saan kaya napunta kung ‘di ‘dinekwat’?

IMBES linisin ang pa-ngalan sa Ombudsman, pinagagawa ni Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing ng public apology si dating Technology Resource Center (TRC) Director General Dennis Cunanan dahil sa mali umanong pagsangkot sa kanya bilang isa sa 28 mandurugas na kongresistang sangkot sa P10-B pork barrel scam.

Hinihiling niya ang public apology dahil hindi raw siya kongresista noong 2005-2007 gaya ng sabi ni Cunanan na siya ay naglagak ng P8 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) niya sa non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

Paano maikakaila ni Bagatsing ang 2007-2009 special audit report ng Commission on Audit (COA) sa PDAF na nagpapatunay na ibinigay niya ang P8 milyon sa Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation (MAMFI) ni Napoles mula sa kanyang pork barrel?

Kuwestiyunable rin ang pagkalagak ni Bagatsing ng kanyang P21.74 milyon PDAF sa Kabaka Foundation Inc. na ipinadaan naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa naturang COA report.

Nabulgar din na may “ghost beneficiaries” pala ang Kabaka Foundation na si Bagatsing mismo ang nagtatag at incorporator.

Ibinunyag ng isang barangay captain na sa 170 nakalistang benepisyaryo ng Kabaka, 34 lang raw ang kumpirmadong residente ng kanilang lugar.

Sino ngayon ang dapat humingi ng paumanhin sa publiko, si Cunanan ba na may dokumentong pinanghahawakan at tugma sa report na inilabas ng COA, o si Bagatsing na wala namang naipapakitang ebidensiya kung saan niya dinala ang pera ng bayan?

Tama na ang mga paliguy-ligoy at tsetse-buretse. Ang tanong lang na dapat sagutin ay saan napunta ang pera ng bayan kung talagang hindi nila dinekwat?

“CASH-FOR-TESTIMONY” NG DSWD

SA ‘YOLANDA’ VICTIMS

ISINIWALAT kamakailan ni Edita Eslopor, isang Benedectine nun o madre, na pinipilit ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang mga nakaligtas sa super typhoon Yolanda na lagdaan ang inihandang mga testimonya na pumupuri sa paghawak ng gobyerno sa krisis.

“In some cases, some victims were even bribed by as much as P1,200 in exchange for their signatures, signifying satisfaction over services of DSWD,” sabi pa ni Eslopor.

Napaulat din na hindi lang mga bangkay na nasawi sa trahedya ang inilibing kundi maging ang donasyong ilang truck na pagkain at damit ay ibinaon din dahil nabulok lang sa halip na ipinamudmod ng gobyerno sa mga biktima sa Leyte.

Iyan ba ang uri ng serbisyong panlipunan na alam ni Donkey, este, Dinky Soliman?

Hindi pa nakakalimutan ng taong bayan ang P2 bilyon na binulsa ng Caucus of Development NGOs (CODE-NGO) na pinamunuan ni Soliman, para sa mga transaksiyong may kaugnayan sa “Poverty Eradication and Alleviation Certificates” o PEACe Bonds noong 2001.

Kung tutuusin, si Soliman ay wala kapareho lang ng mga sabit sa P10-B pork barrel scam na ang modus operandi ay gamitin ang kanilang poder at kapangyarihan laban sa mamamayan para lang magpayaman.

ECONOMIC SABOTAGE TAGUMPAY

DAHIL SA MANILA TRUCK BAN

AABOT sa P320 bilyon ang mawawala sa kaban ng bansa dahil sa ipinatutupad na truck ban sa Maynila, ayon kay Citi economist Jun Trinidad.

Maaari pa raw itong tumaas dahil wala namang itinakdang alternatibong transportasyon na mag-uugnay sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region sa Port of Manila.

Kumpara nga naman sa ipinagmamalaki ng administrasyon ni ousted president at convicted plunderer Joeph “Erap” Estrada na kikitain daw na P30 bilyon ng Maynila, ‘di hamak naman na mas kailangan ng ekonomiya ng Filipinas na maisalba ang mawawalang P320 bilyon.

“We sense simmering policy ‘conflict’ between national government plans that want to fast-track growth including jobs/income creation and local government objectives with legitimate but isolated cost/benefit concerns directed at limited constituencies,” sabi pa ni Trinidad.

Kung ganoon pala, malinaw na sinasabotahe ni Erap ang ekonomiya ng bansa at liderato ng administrasyong Aquino upang palabasin na inutil ito upang makapagpanggap na naman na isang senstensiyadong mandarambong na tulad niya ang “muling sasagip sa mahihirap” sa 2016.

Kung hindi pa nakikita ng Palasyo ang senaryong ito, maski man lang sana ang Korte Suprema ay kumilos na at ilabas na ang desisyon sa disqualification case ni Erap para matuldukan na ang kanyang mga kabuhungan.

Kaya naman malaki ang utang na loob at pasasalamat ni Erap sa Korte Suprema na kahit pinagdududahan na ay bulag, pipi at bingi pa rin sa disqualification case ng napatalsik na pangulo at sentensiyadong mandarambong.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *