NANAWAGAN ang conservation group sa Australia sa knitting enthusiasts sa buong mundo na gumawa ng jumpers para sa mga may sakit na penguin.
Gumagamit ang Phillip Island’s Penguin Foundation ng mga jumper upang makatulong sa pag-rehabi-litate ng mga ibon na naapektuhan ng oil spills o kaparehong pagtagas mula sa fishing boats.
Ang Knits for Nature, ang programang pinatatakbo ng foundation, ay nakabuo ng 300 iba’t ibang designs sa nakaraang mga taon, sa tulong ng kanyang team ng dedicated volunteers ngunit marami pang katulad nito ang kailangan.
“There’s a lot of hidden creativity out there,” paha-yag ni Lyn Blom, empleyado ng foundation.
Nakatutulong ang mga jumper upang mapanati-ling mainit ang katawan ng mga penguin at napipigilan din nito ang mga ibon sa paglilinis ng toxic oil na di-dikit sa kanilang katawan, sa pamamagitan ng kanilang tuka.
Para sa mga nais mag-donate ng jumper, ang Penguin Foundation ay bumuo ng handy knitting pattern guide.
(ORANGE QUIRKY NEWS)