Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MVP bise ni Binay

PUTOK na putok na si Manny V. Pangilinan ang kukuning ka-tandem ni VP Jojo Binay sa 2016 presidential election.

Ito ang 90 porsiyentong tiniyak ng ating source sa kampo ni Binay dahil sarado na raw ang deal o usapan ng dalawa kaya’t sure na ang BInay-MVP sa 2016.

Malinaw na rin ngayon sa mga pahapyaw ni Binay sa kanyang mga pahayag na isang ekonomista ang kanyang kukuning bise presidente at dito lalong nakumpirma na si Pangilinan na ng TV5, Meralco at etc ang kanyang makakasamang sumabak sa darating na pampanguluhang halalan.

Buo na rin daw ang plano ng dalawa sa 2016 kaya’t ngayong kalahatian ng 2014 ay magsisimula na silang palakasin ang kanilang bagong partido na tatapat sa Liberal Party ni Mar Roxas, PMP ni Erap Estrada at Nacionalista Party nina Senador Allan Cayetano at Bongbong Marcos.

Nakabalangkas na raw ang lahat ng taktika na gagawin ng tambalang BInay-Pangilinan at implementasyon na rin lang daw ang kailangan upang masigurong parehas silang magwawagi sa 2016.

Ngayon pa lang ka-aga ay patuloy na ang recruitment ng Team Binay-MVP na tiyak na magpapalakas sa bubuing nilang partido na ihahayag sa Hunyo.

Ganyang kaagap itong si Binay at MVP dahil parehas itong bihasa sa kanilang larangan na matagal-tagal din namang nilang pinag-aralan at pinagharian.

***

Dami pang kiyeme nitong si Senador Allan Cayetano.

Inamin nitong interesado siyang maging pangulo ng bansa pero hindi niya raw alam kung kailan.

Alam ng mga pulitiko sa bansa na nag-iikot at naghahanda na rin si Cayetano sa 2016 kaya’t marami ang na plastikan sa pahayag na ito ni Mang Allan na asawa ni Aling Lani na mayor ng Taguig.

Halos na lahat ng sulok ng bansa ay naikot na ni Cayetano gayung 2014 pa lamang kaya’t dapat nang aminin ng butihing mambabatas ang totoo niyang plano.

Marami pang tiyak na mangyayari patungo sa 2016 pero tiyak na kasali rito si Cayetano dahil all out na ang kilos ng kanyang kampo.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …