NAGBUNSOD ng sunud-sunod na protesta ang pagbabawal sa Russiang lace panties, na nakatakdang ipapatupad sa Hulyo 1, subalit inaresto rin ng pulisya ang mga raliyista.
Nagmartsa sa kalsada ang mga kababaihan sa lungosd ng Almaty sa Kasakhstan suot ang damit panloob sa kanilang mga ulo habang sumisigaw ng “Kalayaan para sa panties!”
Ayon sa Moscow Times, ang batas ay hindi lamang makakaapekto sa Russia kundi maging sa Kazakhstan at Belarus.
Sa ilalim ng bagong batas, minamandato na ang underwear ng kababaihan ay kailangang umabot sa “6 na porsyentong threshold ng absorption.” Sa kasawiang-palad, hindi umaabot ang mga lace panty sa ganitong quota, at nagtatala lamang ng 3 hanggang 4 na porsyentong ‘breathability’.
Gayun pa man, hindi ito ikinatuwa ng mga babae sa nasa-bing mga rehi-yon dahil pananakop umano ito ng kanilang privacy at lantarang sexism ng pamahalaan.
Binatikos ng bank manager na si Iryna Davydenko ang batas, “Para ang ibang isyu sa bansa ay nasolusyunan na at ang tanging outstanding issue ay ang ladies’ panties.”
Kinalap ni Sandra HalinaMay sakit na penguins