ALAM man natin na daraan pa sa matinding deliberasyon sa KAMARA ang Freedom of Information (FOI) Bill matapos itong ipasa at aprubahan sa Senado sa ilalim ng chairmanship ni Madam Senator Grace Poe, hangad natin na sana’y huwag itong matulad noong chairmanship ni Rep. Ben Evardone na dumaan sa sangkatutak na obstacle o sandamakmak na delaying tactics para huwag lamang maaprubahan bago matapos ang 15th Congress.
Kasabay nito, binabati natin si Senator Grace Poe sa kanyang seryosong pagsusulong sa nasabing bill na pinaniniwalaan din niyang makatutulong nang malaki para maibsan kung hindi man tuluyang mawakasan ang KORUPSIYON sa bansa.
Marami kasing probisyon sa FOI Bill na naggagarantiya na daraan muna sa butas ng karayom ang isang politiko sakali mang mailusot niya ang isang uri ng pagnanakaw o pandarambong.
Sa ilalim ngayon ng chairmanship ni Rep. Jorge Almonte ng House Committee on Public Information, magkaroon na kaya ng katuparan ang pagsasabatas ng FOI Bill?
Sana nga …
I’ll keep my fingers crossed.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com