Monday , December 23 2024

Edward’s Your Body Come True, sikreto sa pagpapa-sexy

ni  Reggee Bonoan

SA wakas ay mabibili na sa National Book Store ang librong pinaghirapang sulatin ni Edward Mendez sa loob ng 10 taon, ang Your Dream Body Come True.

Si Edward ay alaga ni Jojie Dingcong at official Sexy Solutions fitness consultant ng Belo na pag-aari ni Dra. Vicki Belo na publisher at sponsor ng libro na ini-launch at nagkaroon ng autograph signing sa National Book Store Glorietta 1, Makati City noong Marso 8, Sabado.

Ayon kay Edward, sobrang saya niya dahil natupad na ang pangarap niya.

Say ng aktor, “super (happy), I’ve written this book ten (10) years ago and it was my dream to become an author and to have this book out and finally, it happened  (now).

“Dreams come happen (talaga) that’s why I called (book) ‘Dream Body Come True’.  And a lot of people mayroon silang pangarap na gumanda ‘yung katawan nila at itong book na ito is the answer.

“I was studying science of nutrition and training (Amerika).  So, noong nakita ko ‘yung mga transformation nila maliban sa sarili ko, gusto kong i-level up ‘yung passion na ‘yun. So, I decided to write a book from scratch and then 10 years later, ‘eto na.

“Ten years in the making, pero siyempre every year ina-update ko siya. So, non-stop akong nagre-research, kinu-compile ko ‘yung bagong information. So, ten years of not just in-the-making but also of research.”

Idinokumento ni Edward ang pagbabago ng katawan niya at ipinost niya ito para makita ng mga bibili ng librongYour Dream Body Come True noong mataba at malaki pa ang tiyan na kuha noong Setyembre 2009 at lumiit pagkalipas ng tatlong buwan (Disyembre 2009).  Kaya puwedeng sabihing ‘biggest loser’ ang binata.

Natawa si Edward dahil siya nga naman talaga ang perfect example ng biggest loser.

“Well, yeah, also from my book kasi it’s a biggest game sa program ko, hindi ka lang maglo-lose ng weight, maggi-gain ka rin at the same time kasi ‘yung muscles, ire-replace ‘yung fats ng magandang shape. Kasi sa science rito, ‘yung muscles nagbibigay ng shape sa ‘yo at nagpapabata sa ‘yo.”

Payo ng Belo Sexy Solutions fitness consultant ang tamang pag-e-ehersisyo raw lalo na ‘yung mga halos sa gym na tumira.

“First of all, working out too much for two (2) to three (3) hours, actually if you work out for more than an hour, hindi na maganda sa katawan ‘yun, kasi tataas masyado ‘yung stress level mo at saka magbu-burn ‘yung muscles mo, lalo kang tataba after that.

“One pound of muscle can burn 50-70 calories per day without doing anything, so sa madaling salita, ‘yung muscle, nagpapa-burn ng fat.  Sunod, ‘pag hindi ka kumakain masyado, low-calories restriction diet, nase-sense ng body mo na walang masyadong pumapasok na pagkain, ang mangyayari nito, ‘yung thyroid mo, ibababa ‘yung metabolism mo, so ‘pag bumaba ‘yung metabolism mo, mare-regain back mo ‘yung na-lose mo, babawian ka ng katawan mo, kasi ‘yung katawan mo is program against you,” paliwanag mabuti ni Edward.

At sa mga tinatamad mag-work out at idinadaan sa diet pills/slimming pills o juices ay may paliwanag din si Edward dito.

“Sa mga diet pills naman they worked, pero mas maganda ‘yung mga diet pills na healthy like fish oils ng mga anti-oxidants nakatutulong sila sa pag-burn ng fat.  ‘Yung mga diet pills na nagpapa-banyo sa iyo all the time, they’re really not good kasi dini-drain nila ‘yung nutrients sa katawan mo at saka nade-dehydrate ka at hindi napi-fix ‘yung main cause why you gain fat.

“Magpapa-slim ka, ang kuwestiyon, saan galing ‘yung weight loss? Kung galing sa tubig, well mari-regain mo ‘yan ulit.  So dapat ang weight loss, galing sa fat.  Pag hindi ka kumain masyado, pero hindi nagbago ang shape ng katawan mo, ibig sabihin, nag-lose ka rin galing sa muscle.”

Inamin ng binata na naging overweight siya at sinadyang ilagay ang mga litrato at video sa Instagram para may paghahambingan at inamin ding halos umabot sa 200 lbs ang timbang niya at ngayon ay nasa 180 lbs na lang.

“Naggi-gain ako ng muscle weight kaya hindi masyadong mataas ‘yung pagbaba ng timbang ko, I did that for only three (3) months,” pagtatapat ng binata.

Komento naman ni Edward sa mga nagyo-yoga at pagkakaiba sa nilalaman ng libro niya.

“Yoga is good for the heart blood fuel system mo and flexibility, pero para ma-shape mo talaga ‘yung body mo, kailangang mag-buhat ka ng mabigat, nakalagay ‘yun sa science ng book ko at saka ‘yung work out, four (4) hours per week ka lang, divided by six (6) days that’s why you call it, ‘eat more, exercise less’ kasi you also eat six (6) times per day, so ‘yun ‘yung discipline (yoga) kabaligtaran (sexy solutions),” say sa amin.

Hindi raw sumubok si Edward ng steroids na madalas mapagkamalan dahil nga ang laki ng katawan niya base na rin sa kober ng libro niya.

“I don’t need it and if I go, I’ll be get too big and it’s hard to look too big in the screen especially plus ten (10) pounds na. Luckily, the knowledge of the science that I have, madaling palakihin ang katawan, basta discipline ng patient and proper knowledge.”

Napapanood pala ni Edward ang reality show na Biggest Loser sa ABS-CBN at talagang dama raw niya ang hirap ng contestants.

“Natutuwa ako, but its hard talaga once you get yourself like that.  The keys talaga, don’t ever get yourself to become overweight like that.

“Nakikita ko ‘yung determination nila, nakatutuwa kasi I’ve been in their shoes before.  Ang pinaka-challenge talaga, how do you maintain it (weight) after, pero kung may book ka (‘Dream Come True’), the readers, madaling i-maintain at saka they can eat pa, life is supposedly fun. ‘’Di ba ‘pag diet ka, torture? With this one (book) eat more, eat more,” say ng aktor.

Ang mga kilalang personalidad na natulungan ni Edward at nagkaroon na ng libro niya ay, “Ces Drillon is training with me, Pinky Webb, Lui Villaruiz, and some people I help prepare for their concert like Martin Nievera. Natutuwa ako kasi nagamay nila ‘yung principle and start to believe the program.

“Maganda sa book ko, you don’t need a trainor, just read it, actually, mag-e-enjoy kayo at ang work out n’yo good only for twenty three (23) minutes.”

Samantala, dumalo sa book launching ni Edward ang publisher ng Your Dream Body Come True na si Dra. Belo at natanong ang binata sa pagkaka-link nila rati noong nahiwalay na kay Hayden Kho na kaibigan ngayon ng aktor.

“Matagal na ‘yan. I mean, as soon as I entered showbiz naman, like you know, nandoon na ‘yan, eh.

“But you know, almost every one knows naman na I’ve been close to her (Vicki) since I was a kid. I was with Belo Group matagal na and Cristalle is like my sister.

“I mean, that’s an issue that probably won’t go away. But I’m never bothered by it and hindi maiiba ‘yung pakikisama ko sa kanya just because of that issue.

“You know, we have a healthy and happy friendship and collaboration with this project. And we’re the first one to actually bring out a fitness book that will be so easy to follow by so many,” say ni Edward.

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *