Monday , December 23 2024

Demolition job vs PMA class 84

HABANG papalapit ang retirement ni PNP Chief D/G Allan Purisima, tila lumalarga na rin ang demolition job sa MEDIA at iba pang forum laban sa dalawang miyembro ng Philippine Military Academy(PMA) Class 84  alumni na sina Generals Raul Petrasanta at Isagani Nerez  na parehong llamado para pumalit sa mababakanteng posisyon ni Purisima.

Malapit kay Pangulong Noynoy si Petrasanta at ang pamilya nito ngunit tila hindi boto ang ilang opisyal ng PNP na ito ang mailuklok kapalit ni Puring ‘este’ Purisima matapos magretiro ang huli.

Isinasangkot na pilit si Gen. Petrasanta sa nawawalang  900 piraso ng AK-47 rifles na umano’y ibinenta sa isang security agency. Ang nasabing mga baril ay pag-aari umano ng pambansang kapulisan.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng tanggapan ni General Benjamin Magalong ng CIDG si Gen. Petrasanta.

Kumakalat din hindi lamang sa main headquarters diyan sa Kampo Crame ang mga “white papers” laban kina Petrasanta at Nerez na nagsasanggkot sa dalawa sa malawakang protection racket patungkol sa jueteng at ilan pang iligal na sugal gayun din sa iba pang krimen gaya ng cyber sex, carnapping, prostitution at pagtanggap ng casino payola.

Sina Petrasanta at Nerez  din daw ang itinuturong protektor ng bigtime jueteng operators na sina Lito Millora,Boy Taba,Joy Paranaque, Bongbong Pineda at Luding Boongaling.

Wala ng bago sa mga ganitong “demolition job” tuwing magkakaroon ng “vacancy” sa liderato ng PNP. Ang masakit, mga bulok at buwaya ring opisyal ng PNP ang nasa likod ng oplan na ito para siraan ang kanilang kapwa opisyal sa pambansang kapulisan.

Nakasentro ang motibo sa determinasyong makopo ang pinakamataas na posisyon sa PNP organization.

Maging matunog sana si Pangulong PNoy sa bulok na istilong ito ng mga mistah ng PMA.

“Wag din sanang madaan sa “bulong” ng ilang miyembro ng Kamag-anak Incorporated ang itatalagang bagong PNP Chief.

Kung talagang nais ni Pangulong Aquino na mapangalagaan ang kapakanan at katahimikan ng pamayanan, ibase sana niya sa kakayanan at integridad ng itatalagang opisyal ang pamantayan sa pagpili.

Huwag makinig sa paninira at sabi-sabi ng iba. Huwag sana ring mapulitika ang pagtatalaga sa bagong Chief PNP.

Taong bayan kasi ang magdurusa at malalagay sa alanganin sakaling magkamali ang Punong Ehekutibo sa pagpili sa papalit kay Purisima.

We just hope the President won’t commit the same mistake again!?

Ayun na…SAPOL!

GAMBLING LORDS NG MARIKINA

AT MANDALUYONG

Halos apat na dekada nang namamayagpag diyan sa siyudad ng Marikina ang isang ANTONIO “TONY BULOK” SANTOS, ang ama ng jueteng at Lotteng ni EGAY NEPO  sa Eastern part ng Metropolis.

Umabot na rin ang kanyang jueteng at lotteng empe hanggang Novaliches sa Quezon City at city proper hanggang Bagong Silang sa Caloocan City.

Mantakin po ninyo  DILG Sec. Mar Roxas ang land area na nasasakupan ng operasyon nitong si Tony “BULOK” Santos. sina  po ten Jigs “ video karera “ serbilyon ,  Cris , Rose at laarni Lotteng , Bookies karera  ang operator sa Pasig city

Kung hind ito galante sa pamumudmod ng “GRASYA”, mamimintine ba nito ang ganoong kalawak na illegal gambling operations?

Isang  alyas KIT – TARANTADO  ang taga-bigay ng intelihensiya sa  JUETENG ni BUGOK SANTOS kapulisan  para sa kaalaman mo Sec. Roxas .

From these infos  Sec. Roxas, umaasa tayong may mananagot ng opisyal n’yo diyan sa CAMP CRAME .

“Yan ay kung naging matapat po kayo sa ating naging usapan!

Sa lungsod naman ng ating kaibigan na si Mayor Benhur Abalos,  anjan ang mag-amang Boy Alvaran na isang Barangay Ex-O sabarangay Poblacion at anak nitong si ABET.

Bookies sa karera ng kabayo ang opisyo ng mag-ama kaladkad ang pangalan ni Mayor Abalos na ating kaibigan.

Alam nating horse owner at mahilig din sa karera itong si Boss Benhur pero hindi ito makakapayag na iligal ang gagawing pagtaya ng mga taga-Mandaluyong City sa horse racing.

Salungat ito sa code of conducts at ethics ng isang legitimatehorse owners na miyembro ng isang prestiyosong samahan ng mga horse owners.

Kalusin mo nga Mayor Benhur ang mag-amang ALVARAN na ginagamit pa ang iyong pangalan sa katarantaduhan.

Maghihintay po ang pitak na ito sa akyon ni Mayor Ablaos. at DILG Sec. Mar Roxas

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2 – 3 PM, mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *