SA feng shui, ang purple color ay nabibilang sa feng shui fire element.
Sa feng shui color application, ang color purple ay ginagamit nang may limitasyon. Ito ay very strong, high vibration color, ang kulay ng koneksyon sa spiritual realms (7th chakra.)
Feng shui-wise, ito ay hindi inirerekomenda bilang wall co-lor para sa bahay. Mara-ming feng shui master ang naniniwala na ang color purple sa ding-ding ay posib-leng magdulot ng sakit sa dugo. Totoo man o hindi, ang color purple ay mayroong very high vibration color at ang payo ng feng shui ay gamitin ito nang limitado lamang.
Ang tanging feng shui spaces na maaaring gamitan nang husto ng purple color, ay ang healing room o meditation space.
Gumamit nang bahagya lamang nito sa inyong tahanan o piliin ang lighter color tones, katulad ng lavender. Limita-han ang purple color sa feng shui bagua areas ng East at Southeast areas, gayundin sa West.
Ang excellent way para mailagay ang royal purple sa inyong paligid ay sa pamamagitan ng amethyst, isa sa most powerful feng shui crystals.
Lady Choi