USAP-USAPAN ng mga pilyong sportswriters na kaya daw hindi pa ipinapahayag ng University of Santo Tomas ang kapalit ni Alfredo Jarencio bilang head coach ng Growling Tigers ay baka naman daw bumalik ito.
Baka daw bumalik kapag hindi naging maganda ang resulta ng kampanya ng Globalport sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup
Ngekk!
Of course, joke lang iyon, no?
Binitiwan na ni Jarencio ang Growling Tigers at pinagtutuunan na niya ng pansin ang pagiging head coach sa PBA sa unang pagkakataon. Tinapos na niya ang pitong taong stint niya bilang head coach ng UST sa UAAP.
Long overdue na ang pagiging head coach ni Jarencio sa PBA. Naunahan pa siya ng ilang mga coaches na hindi naman naging champions sa amateur ranks.
Pero parang hindi pa rin maganda ang timing. Kasi nga’y midstream ang pagpasok niya’t paghalli kay Ritchie Ticzon na siyang humawak sa Globalport sa nakaaang Philippine Cup.
Hindi nakakapag-adjust si Jarencio sa koponang minana niya. Magiging unfair na husgahan siya kaagad kung mangapa ang Batang Pier na may dalawang pagkatalo kaagad sa maiking second conference.
Parang mahirap makabawi kaagad sa kabiguan lalo’t ang kalaban pa nila mamaya ay ang San Mig Coffee na nagkampeon sa katatapos na Philippine Cup.
Kaya tuloy kinakanti yawan ngmga kaibigan niyang sportswriters si Jarencio.
Pero sakaling masilat ng Globalport ang San Mig Coffee mamaya, tiyak na magbabago ang pananaw ng lahat. Hindi na nila sasabihing babalik si Jarencio sa UST.
Ang tanong ay kung makakabangon nga ba?
Sabrina Pascua