Ed de Leon
DARLING of the Press pala si Boss Jerry Yap doon sa katatapos na Star Awards for Movies. Wala namang doubts about it, at siguro hindi na nga sila nagkaroon pa ng ibang choice kasi sino ba naman sa mga nominee nila ang talagang tumingin sa kapakanan ng entertainment press kagaya ng ginawa ni Jerry Yap?
There was a time na ang entertainment press banned pa riyan sa National Press Club. Doon kasi ginagawa ang monthly meetings noon ng PMPC, tapos may isang nalasing at nagwala. Banned ang buong club at hindi na sila pinayagang makapag-meeting doon. Noong araw din, mababa ang tingin ng iba sa mga movie writer. Hindi ka makapapasa sa membership committee ng NPC kung movie writer ka lang. Ang kinikilala lang nila ay iyong mga entertainment editor ng mga diyaryo. Pero ngayon ay nabago na ang lahat ng iyan, at nagsimula iyan noong panahong presidente ng NPC si Jerry Yap.
Si Jerry Yap din iyong nakita naming hindi entertainment writer, pero ipinagtatanggol niya ang mga entertainment writer, alam niya kung sino ang may sakit. Alam niya kung may namatay. Concerned siya sa mga entertainment writer, kaya noon ngang ma-nominate siyang darling of the press, hindi kami nagbigay kahit na katiting na comment, ang hinihintay namin kung magkakamali sila, after all wala na silang ibang choice roon sa line up na iyon kung matino sila.
Itong comment naming ito, malamang hindi pa payagan ni Jerry Yap sa kanyang diyaryo kung malalaman niya, pero palagay namin bilang isang kolumnista ay karapatan naming sabihin kung ano ang nasa loob namin, at isa ito sa aming mga opinyon na gusto naming malaman ng mas nakararami.
May mga narinig kaming hindi magagandang feedback diyan sa unang awards sa taong ito, pero ano man ang kinalabasan ng ibang kategorya, wala na kaming sasabihin dahil at least sa isa ay gumawa sila ng tamang choice, at saka opinion nila iyon eh. Wala tayong magagawa roon.