Monday , December 23 2024

Aga, Piolo, John Lloyd, Dennis,at Baron, PMPC’s Dekada Awardees

ni  Roldan Castro

STAR-STUDDED ang naganap na 30th PMPC Star Award for Movies na ginanap sa Solaire Grand Ballroom. Nanghinayang lang kami na wala si Jericho Rosales sa mga actor na tumanggap ng Dekada Awards dahil may prior commitment siya. Ang gandang tingnan na sama-sama sa entablado na tumanggap ng naturang parangal sina Aga Muhlach, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Dennis Trillo, at Baron Geisler.

Binuhay naman ni Ai Ai delas Alas ang crowd dahil mahigit apat na oras naidaos ang awards night.

Nang tanggapin niya ang award ay  buong ningning niyang sinabi sa stage ‘my new inspiration’ na patungkol kay Dennis Trillo.

“Nakatabi lang sa upuan, my new inspiration agad,” tumatawa niyang pahayag sa stage.

Nagsigawan at nagtawanan pa ang mga tao nang magbiro si Ai Ai sa stage ng, “Sex tayo…parang inaantok  lang.”

Pangiti-ngiti lang si Dennis. Sabi pa ni Ai Ai, “Pareho naman silang single”.  Reaksyon  naman ng mga tao ay, bagay sila.

Inumpisahan din ni Ai Ai ang sariling version nila ng selfie sa awards night na kasama ang mga Dekada Actors Awardee at  ang hosts na sina Maja Salvador at Robi Domingo.

Naging hosts din sina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Piolo Pascual, at Toni Gonzaga.

Nagsama rin sina Christian Bautista at Iza Calzado sa paghahandog ng tribute sa mga Dekada Awardee.

Sa Opening Number, bilang pagbibigay-pugay sa 30 Years of the Best Star Awards Movies, naghandog ng awitin sina Kuh Ledesma at Radha.

Sina Dawn at Richard naman ang nagtanghal para sa tribute sa tatlong movie outfit na nagningning sa loob ng tatlong dekada— Regal, Viva, at Star Cinema.

May surprise song number din si Cesar  Montano.

Ang 30th PMPC Star Awards ay mula sa direksyon ni Al Quinn.  Mapapanood ang kabuuang pagtatanghal sa ABS-CBN Sunday’s Best sa Marso 16, 2014.

Narito ang mga nagsipagwagi: Indie Movie Sound Engineer of the Year—Albert Michael Idioma (Sonata); Movie Sound Engineer of the Year—Corinne De San Jose (OTJ); Indie Movie Musical Score of the Year—Emerzon Texon (Sonata); Movie Musical Scorer of the Year—Carmina Cuya (Shoot To Kill:  Boy Golden); Indie Movie Original Theme Song of the Year—Sukatin Mo Ang Mundo Ko (Jumbo Jericho); Movie Original Themesong of the Year—Huwarang Kabataan (Pedro Calungsod, Batang Martir);

Movie Child Performer of the Year—Ryzza Mae Dizon (My Little Bossings); New Movie Actor of the Year—Vince Tanada (Otso); New Movie Actress of the Year—Isabella Daza (It Takes A Man And A Woman); Indie Movie Editor of the Year—Carlo FranciscoManatad (Badil); Movie Editor of the Year—Jay Halili (OTJ); Indie Movie Production Designer of the Year—Junjun Montelibano (Sonata);

Movie Production Designer of the Year—Joel Bilbao and Fritz Silorio (Shoot To Kill:  Boy Golden); Indie Movie Cinematographer of the Year—Jun Gonzales (Bamboo Flowers); Movie Cinematographer of the year—Ricardo Buhay III (OTJ); Indie Movie Screenwriter of the Year—Jose Javier Reyes (Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?); Movie Screenwriter of the Year—Erik Matti and Michiko Yamamoto (OTJ); Movie Supporting Actor of the Year—Joey Marquez (OTJ); Movie Supporting Actress of the Year—Angel Aquino (Ang Huling Chacha Ni Anita); Indie Movie Director of the Year—Chito Ronio (Badil); Movie Director of the Year—Erik Matti (OTJ); Indie Movie of the Year—Badil (Waray Republik and Film Development Council of the Philippines); Movie of the Year—On Thhe Job (Reality Entertainment and Star Cinema);

Movie Actor of the Year—Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy); Movie Actress of the Year—KC Concepcion (Shoot To Kill:  Boy Golden); Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award—Rustica Carpio; Ulirang Alagad Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Awards: Ricky Lee at Peque Gallaga.

Dekada Awards—(Actress) Judy Ann Santos, Eugene Domingo, Ai Ai delas Alas; (Aktor)—Aga Muhlach, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Piolo Pasucal, at Baron Geisler; (Direktor)—Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Maryo J. Delos Reyes, Mark Meily, Olivia Lamasan,at Jerrold Tarog.

Darling of the Press—Jerry Yap; Male Star of the Night—Piolo Pascual; Female Star of the Night—Toni Gonzaga; Female Celebrity Great Shape—Alessandra de Rossi; at Female Celebrity Skin of the Night—Bela Padilla.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *