Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Villanueva out?

MUKHANG patungo na sa pag-exit ang anak ni Bishop Eddie Villanueva na si TESDA boss Joel Villanueva sa mga miyembro ng gabinete ni PNoy.

Kitang-kita ito sa dramang ginagawa ngayon ni Justice Sec. Leila de Lima dahil sinabi niyang damay rin sa pork barrel scam si Joel Villanueva at isa rin ito sa mga kliyente ni Janet Lim-Napoles.

Marami tuloy ang naniniwala na ang pag-link ni De Lima kay Villanueva ay senyales na ng paglalaglag ni PNoy dahil imposibleng ang ginagawa ngayon ng DoJ boss ay walang blessings ng pangulo.

Alam natin lahat na kakampi ni PNoy si Villanueva at dito lalong nakompirma na mukhang “time to go” na para sa anak ni Bro. Eddie.

Malinaw sa sinasabi ngayon ni Villanueva na parang ganyan din ang ginawa ni De Lima kay Ruffy Biazon kaya’t tiyak na marami pang susunod na pangyayari.

Blessing ni PNoy ang “word of the game” at dito mas nakalalamang na ang pag-alis ni Villanueva sa Gabinete dahil ang sinasabing “attack dog” ng Palasyo ay gumagana at kumikilos na upang i-demolish muli ang isang kaalyado na nagpakahirap din naman sa pangulo.

***

Tuloy-tuloy pa rin ang demolisyon kay VP Jojo Binay.

Malinaw na insecure talaga ang manok ng Liberal Party kay Mang Jojo na nanatili ang bango sa tao.

Patuloy ang pag-angat ni Binay sa masa at iyan ang halatang-halata dahil isa siya sa mga opisyale ng pamahalaan na hindi bumababa ang approval rating sa tao.

Panahon na lamang ang aantayin ni Binay at diyan ay marami ang nag-aabang dahil sawang-sawa na sila sa sinasabing ‘tuwid na daan.’

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …