Monday , December 23 2024

Token, binansagang Charity Diva

ni  Pilat Mateo

SAAN ka nga naman nakakita ng isang nag-produce ng concert na hindi alintana ang kitang pansarili dahil buong-buo niyang ibibigay sa  beneficiary ang kikitain ng concert?

Kaya nga siguro bagay na bagay sa nagbabalik-eksenang si Token Lizares ang titulong Charity Diva na ibininyag sa kanya ng katotong Jobert Sucaldito at mga kasamang ilang beses ng nakaalam sa mga charitable deed ng super ding PR na singer.

Actually, marami ng naging kaibigan sa mundo ng showbiz si Token and in her own way, dahil talentado naman siya sa career niya bilang isang mang-aawit at Dekada Otsenta pa lang, sinusubaybayan na siya sa kanyang lounge acts sa sari-saring five star hotels. Kaso, mas pinili ni Token ang mga oportunidad sa ibang bansa na sa mga sikat na hotels din siya nagsu-show.

Nakalimutan na rin niya ang pagiging composer (she made a song for Eva Eugenio entitled Bakit May Ulap ang Landas in 1981 at kay Pops Fernandez din, ang What Makes Me Love You in 1984.) Nagkaroon naman siya ng albums, ang Ikaw Lamang Sinta at A Token of Love noong 2003.

Kaya nga ang muling pagpasok sa concert scene is Token’s way of paying it forward and giving back sa pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga kababayan niya sa Bacolod  na pinagmulan niya.

Kaya sa March 22, 2014, ihahandog ni Token ang kanyang My Token of Love sa Teatrino at ang special guests niya eh, sina Richard Poon, German ‘Kuya Germs’ Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamiza, Le Chazz with Alex Datu as front act at si Butch Miraflor ang musical director.

Sa idinaos na presscon ni Token sa Music21, she was able to reunite with old friends from th media. At dahil nakitaan niya ng mga talento ang marami sa mga ito, lalo na sa larangan ng pagkanta, magkakaroon din daw siya ng concert for the press para sa maitutulong o maibabahagi naman niya sa sari-saring samahan at foundation ng mga ito.

Sa kasagsagan na nga ng rehearsals ni Token, kinailangan nitong sumaglit sa Bacolod para dalawin ang burol ng kanyang biyenan at bumalik din siya agad para sa pinaghahandaang concert.

“Like Kuya Germs, noong nagsisimula pa lang ako, marami rin kasi ang nag-e-extend ng tulong nila sa akin. Kaya I got to where I am. Sa talent ko sa pagkanta, may times din naman noon na parang gusto ko ng sumuko kas feeling ko, wala na, eh. Pero, hindi pala. Kahit pa ano ang edad mo, kung nandyan pa rin ang talent mo, you have to share it sa mga tao. Sa akin, to entertain them and at the same time, helping our less fortunate brothers and sisters.”

Ang Holy Family Home Bacolod Foundation, Inc. na mina-manage ng Capuchin Tertiary Sisters of the Holy Family ang magiging beneficiary ng Concert for a cause ni Token and friends.

Lucy, namimigay ng banca sa mga biktima ni Yolanda

SUMALANTA man ang isang super bagyong gaya ni Yolanda, para sa mga taga-Ormoc na nasasakupan ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez, tuloy-tuloy pa rin sila sa laban ng buhay.

Maramipa nga raw sa mga ito ang hindi pa nakababangon sa masamang hatid ng nasabing disaster.

Pero dahil karamihan sa mga naroroong nakatira sa may baybay-dagat, alam mo na ang ikinabubuhay nila ay ang pangingisda.

Kaya, mahirap man sa umpisa, ang naisip ni Cong. Lucy na pamimigay ng isang bangka sa bawat pamilya, eh dahan-dahan nitong binuno. With a little help from her friends, ‘ika nga. Simula kay Ben Chan.

Nagbigay din ng kanilang commitment ang mga kasamahan sa industriya na sina Kim Chiu, Enchong Dee, Joseph Marco, Teng brothers, Lovi Poe, Karylle, Markki Stroem, at Rachelle Ann Go.

Say ni Lucy, “Mahaba-haba pa ang panahong bubunuin namin to get to our target na 6,200 bancas. And once we can give them their own bancas to make a living, kinabukasan lang makakapangisda na sila.  We give them that and they can already start re-building their lives kasi ‘yun ang buhay ng bawat pamilya sa amin. And we’re thankful  sa lahat ng nag-donate.”

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *