Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lucio Kho, Tina U at si Boy Valenzuela, dapat imbestigahan din ng Senado

KUNG kayang magpalusot ng isandaan hanggang dalawang daang container vans linggo-linggo na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang isang smuggler na tulad ni alyas JR Tolentino,gaano pa kaya ang mga katulad nina TINA U, BOY VALENZUELA at LUCIO KHO na binansagang mga dambuhalang smugglers ng bansa?

Kung ang ibang players cum smugglers ng Aduana ay tinatawag na big fish ng BoC, iba ang kategorya  nina TINA U, BOY VALENZUELA at LUCIO KHO. Walang sinabi at binatbat ang iniimbestigahan ngayon ng Senado at ng DoJ kay DAVIDSON BANGAYAN a.k.a.DAVID GO/DAVID TAN.

Sa koneksyon pa lamang ng tatlo, masasabing kulangot lamang kung ikokompara si Bangayan sa kanila.

Sa mga nagdaang administrasyon, hindi natinag ang tatlo sa kanilang ilegal na aktibidades diyan sa Aduana.

Si TINA U ay nananatiling REYNA ng smuggling ng PLASTIC RESINS kasama ang dalawang anak na sina BEBANG at GERRY samantala sina KHO at VALENZUELA ay naging moog sa pagpapalusot ng kanilang mga kontrabando saan mang pier nila naisin.

‘Ika ka nga, untouchables sila sa mata ng mga awtoridad. Hindi lamang ng BoC kundi maging ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

May narinig ba kayong nakaambang tax fraud cases laban sa tatlong ungas?

Kahit man lamang alimuom o tsismis na iniimbestigahan na ang mga bugok ay wala kang maaamoy.

Ganyan katibay sa kasalukuyang administrasyon sinaKHO, TINA U & FAMILY at BOY VALENZUELA.

Kung yaong ibang magnanakaw sa Aduana ay target ng government’s intensified drive, tila exempted ang tatlong kupal.

Sino kayang makapangyarihang nilalang ang sinasandalan ng tatlo?

Hindi kaya ang certified frequent buddies ni PNoy ang padrino at ipinagmamalaki nila?  Ilang tauhan naman ng isang deputy commissioner ng BoC ang iniulat na direkta rin ipinangongolekta ng “tara” ng tarantadong si agent ABU – SADO kapalit ang pagbubulag-bulagan sa mga epektos at kontrabando ng smugglers sa Customs.

Iniimbestigahan ngayon ang mga MICP entry T1274-4×40, T648-4×40, T297-4×40, T361-2×40, T409-1×40, T572-1×40, T236-4×40, T408-1×40, T545-1×40, at T649-4×40.

Ganoon din ang “warehousing” modus na may entry numbers na W534 6×40, W515-4×40, W357-4×40, W1059-1×40, W1062-4×40. W1064-4z40 at W1076-4×40. Base pa sa intel report, isang alyas ‘JULIE; ang utak sa katarantaduhang ito.

Ito pa ang listahan ng mga SMUGGLER: ‘Albert Jardin, Jay-r Tolentino, Saulog Brothers, Tina Yu-pak, Bebang Yu-pak, Gerry Yu-pak, Manny Santos, Geri Teves, Big Mama Castillo, Helen Tan, Dave Kalbo, Ruby Riga, M. Zapata, Samy Gabison, Legalas Brokerage, Joy Zanches, Jimy Tinio, Migs Santos, Daisy Laurante, Jerry Laurente, Rose Ong, Nori Katipunan, Danny Ngo, Edwin Sy, Marivic Briones, Anthony ‘Onion King’ Sy, Zeny Dayahirang, Jojo ‘bigas’ Soliman, Erick Yap, George Uy, Ben Sagupa, Bibit & Agnes No.1 Luxury Car smuggler ng Cagayan de Oro at Gensan.

Ang matinding swing cum smuggling ni GIRLIE RESOURCES sa Port of Clark.

Nagtatanong lamang po kami Secretary Paquito Ochoa, Sir!

May kasunod, ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2 – 3 PM, mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …